Buong buhay ko nandiyan si daddy sa tabi ko para gabayan ako. Ngayon na wala na siya, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. My life has been perfect pero sa isang iglap lang ay bigla itong nawasak.
Alam 'kong, hindi ako pinalaki ni daddy na mahina ang loob. Pero, di ko lang maiwasan ang malungkot sa pag-iwan niya sa'kin at magalit sa taong gumawa nito sakanya.
Si daddy ang takbuhan ko sa oras nang aking kalungkutan. Si dad na nagmahal sakin higit pa sa kanyang sarili. Ang tumayong ama at ina ko, when my mother died after she gave birth to me.
Ngayon wala na siya..
Nitong hapon lang nilibing si dad. Hanggang ngayon ang bigat dito sa'king dibdib ay nandiyan parin. Siguro dahil hindi ako umiyak kanina?
I reached for my wine and drink it. Kanina pa ako nakababad sa gatas, tumayo ako sa tub at pumunta ng shower. It's almost 8PM.
I let the water rinse the milk on my whole body. Umupo ako at niyakap ang aking sarili. Mag-isa na lang ako ngayon.
Unti-unting humapdi ang mga mata ko, hanggang sa tumulo ang mga luha. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa namanhid na ang aking puso.
Base on the investigation, hindi atake sa puso ang kinamatay ni daddy. He was poisoned by a cyanide and the last person na kausap ni dad ay si Dax. He's one of the suspect sa pagpatay kay daddy. But the Police couldn't find any lead that would link Dax to the murder.
Pero malakas ang kutob ko na siya ang pumatay kay daddy isang linggo na ang nakakalipas. Kaya gagawa ako nang paraan.
I will do everything to get the justice in my own hands.
And that is killing Daxton Markus de la Vega, the man who killed my father.