"SERENA, anak? Wala pa din ba ang Kuya Sancho mo?" tanong ng Nanay Mildred niya nang lumabas ito ng kwarto. "Wala pa po, Nay," sagot naman niya. Alas siyete na ng gabi pero wala pa do'n ang Kuya Sancho niya. Hindi pa ito dumadating galing sa pamamasada nito, eh, dati-rati naman ay alas sais na ng gabi ay nakauwi na ito. Naisip naman ni Serena na baka nagabihan si Kuya Sancho niya sa pamamasada ay dahil baka nasasayangan ito sa oras, baka naghahanap pa ito ng pasahero. Maaga nga itong umalis para makarami ito ng maisasakay. "Mauna na lang po tayong kumain, Nay? Sunod na lamg po siguro si Kuya Sancho," wika naman niya. "Maghintay muna tayo ng kunti baka parating na din ang Kuya Sancho mo," sagot ng Nanay niya. "Sige po, Nay," wika naman niya. Kinuha nga din ni Serena ang cellphone pa

