Chapter 67

1607 Words

MABILIS na bumangon si Serena mula sa pagkakahiga niya nang maramdaman niya ang paghahalukay ng sikmura niya. Tutop ang bibig nang lumabas siya ng kwarto at nagtungo siya sa kusina. Agad naman siyang nagduwal sa sink na makarating siya doon. Halos wala naman siyang maisuka, puro laway lang ang naisusuka niya. Nakaramdam nga siya ng paghihina, naramdaman din niya ang paglalambot ng kanyang mga binti. Kaya mahigpit siyang humawak sa edge ng sink para suportahan ang sarili. Mayamaya ay naramdaman ni Serena na may kamay na humahaplos sa likod niya. Hindi naman niya kailangan lumingon para malaman kung kaninong kamay iyon. Alam kasi niyang si Donna iyon, eh, ito lang ang kasama niya sa bahay ng sandaling iyon. Inabutan nga din siya nito ng ng baso na may lamang tubig nang matapos siyang madu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD