Chapter 4

1574 Words
DAHIL sa lakas ng hangin at sa lakas ng ulan ay nawalan na din ng kuryente sa lugar nila Serena. Gamit ang liwanag ng cellphone ay hinanap ni Serena kung saan nakalagay ang kandila para masindihan niya. At nang mahanap ay agad niya iyong sinindahan at nagtungo siya sa kwarto kung nasaan ang Nanay niya para tingnan ito. May malakas na bagyo sa probinsiya nila. At ayon sa balita ay nakataas sa signal number 4 ang lugar nila. Kahapon pa sila pinapalikas ng gobyerno dahil sa lakas ng Baguio. Handa na din ang covered court para sa mga gustong magpalikas. May mga kapitbahay silang nasa covered court, samantalang ang iba ay naiwan para magbantay sa kanilang bahay--gaya nila. Pero dapat ay lumikas na sila dahil sa sobrang lakas ng hangin at ulan. Rinig na rinig nga niya iyon sa bubong ng bahay nila at pakiramdam niya ay anumang sandali ay matatanggal na ang bubong nila. "Serena! Pumapasok na ang tubig sa loob ng bahay!" Mayamaya ay narinig ni Serena na wika ni Kuya Sancho niya. Hindi naman nag-alala si Serena dahil kunti lang naman ang appliances nila sa bahay at itinaas na iyon ni Kuya Sancho bilang paghahanda na din sa posibleng mangyari. Ang inaalala lang niya ang ang nanay niyang may sakit. "Mag-impake ka ng ilang mga gamit niyo ni Nanay. Lumikas kayo, may mga sundalo sa labas na nagre-rescue," wika ni Kuya Sancho niya ng lapitan siya nito. "P-paano ka, Kuya?" tanong naman niya dito. "Magpapaiwan ako para bantayan ang bahay," sagot nito sa kanya. "Pero-- "Sige na, Serena. Ako na ang bahala sa sarili ko. Mas makakampante ako kapag alam kung ligtas kayo ni Nanay," wika nito. "Susunod ako do'n kapag medyo humina na ang bagyo." Wala namang nagawa si Serena kundi sundin na lang ang sinabi ni Kuya Sancho niya. Nag-impake siya ng ilang gamit ng Nanay na dadalhin niya sa paglikas nila. Nang matapos ay pinuntahan niya ang Nanay niya. "Nay, kailangan daw nating lumikas sabi ni Kuya Sancho, napasukan na po ng baha ang bahay baka po mas tumaas pa ang baha," wika niya dito. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Inalalayan niya ang Nanay niya na lumabas ng kwarto. "Ang Kuya mo?" tanong ng Nanay niya sa kanya. At mukhang narinig ng Kuya Sancho niya ang tanong na iyon ng Nanay niya dahil nagsalita ito. "Nandito po ako, Nay," wika nito. "Sumama ka na lang sa amin sa paglikas, Sancho," wika ng Nanay niya. "Magpapaiwan ako, Nay. Para magbantay sa bahay." "Baka mapaano ka dito, anak," mababakas sa boses ng Nanay niya ang pag-alala. "Wala pong mangyayaring masama sa akin, Nay. Kaya sige na po, lumikas na kayo," wika nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay humakbang ito palabas ng pinto. Nakita niya na iwinagayway nito ang hawak nitong flashlight. At mayamaya ay may pumasok sa dalawang sundalo sa bahay nila. "Nay, Serena, sumama na kayo sa kanila," wika ni Kuya Sancho niya. Inakay naman sila ng mga sundalo. "Kuya mag-iingat ka dito," wika niya dito. Tumango na lang naman ito bilang sagot. Nilingon pa ni Serena ang Kuya Sancho niya ng isang beses bago siya sumampa sa truck na gamit ng mga sundalo para sa pagre-rescue. Halos mapuno na din ang truck ng mga gustong lumikas. At puro babae, matanda at mga bata ang naro'n. Karamihan sa mga naroon ay pamilyar ang mukha dahil mga kapit-bahay nila ang mga iyon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa covered court. Isa-isa naman silang bumaba sa truck, nakaalalay ang mga sundalo sa kanila. "Salamat," wika niya sa lalaking sundalo nang tulungan siya nitong bumaba ng truck. Isang ngiti lang naman ang sinagot nito sa kanya. Humawak naman siya sa Nanay niya habang naglalakad sila papasok sa loob ng covered court. Iginala naman ni Serena ang tingin sa paligid para maghanap ng mapu-pwestuhan. "Aling Mildred! Serena!" Hinanap naman ni Serena kung saan galing ang pamilyar na boses na iyon. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya nang makita niya si Donna at pamilya nito na naroon. "Dali, dito kayo," wika nito. "Tara, Nay," yakag naman ni Serena sa Nanay niya patungo sa kinaroroonan nina Donna. Umusog naman ang kaibigan para bigyan sila ng espasyo sa kinauupuan nitong bleches. "Kanina pa kayo dito, Donna?" tanong naman niya sa kaibigan. "Oo, Serena. Pinalikas na kami agad ni Tatay bago pa tumaas ang baha," sagot nito sa kanya. "Nagpaiwan si Tito Arnold?" tanong niya sa ama nito. "Oo. Kasama din niyang nagpaiwan si Kuya," sagot nito. "Si Kuya Sancho din," imporma din ni Serena. Mayamaya ay narinig niya ang paghugot ng malalim na buntong-hininga ni Donna. "Sana huminto na itong bagyo," wika ni Donna. "At sana, walang mga casualties na mangyari," dagdag pa niya. "Ipagdasal na lang natin, Serena." Si Donna. Tumango lang din naman si Serena sa sinabing iyon ni Donna. Namayani nga din ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Pupunta pala dito si Mayor Raven," mayamaya ay basag ni Donna sa katahimikan. When Donna mentioned Mayor Raven's name, she couldn't help but feel her heart racing. "Narinig ko kanina na pinag-uusapan ng mga sundalo," dagdag pa na wika nito. Serena wasn't paying attention to Donna. Her attention was focused on her conversation with Mayor Raven last week. And that was his indecent proposal to her. KINUHA ni Mayor Raven ang suot na leather jacket. As he walked out of the room, he put on his jacket. Agad naman niyang hinanap ang bodyguard niyang si Calixto. "Aalis na tayo, Mayor Raven?" tanong nito sa kanya nang makita siya nito. "Yes," sagot naman niya dito. Sabay naman na silang lumabas ng bahay. Ang pick-up ang ginamit nilang sasakyan patungo sa covered court kung saan lumikas ang mamayan niyang apektado ng malakas na Bagyo. Do'n kasi ang tungo ni Raven ng gabing iyon. Gusto niyang siguraduhin na maayos ang mga mamayan na sinasakupan niya kung okay lang ang mga ito do'n. He also wants to personally know their needs so he can provide for them. At bago pa taaman ang lugar nila ng bagyo ay pina-ready na niya ang covered court para may lugar ang mga apekto ng bagyo. May mga medics na din na naroon para sa mga casulaties o hindi kaya mga matatanda na kailangan ng medical needs. Not even the intensity of the storm could stop Mayor Raven from helping his constituents. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din si Raven sa covered court. Lumabas si Calixto sa driver seat dala ang payong. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa gawi niya. Agad naman siyang bumaba, at halos malalaki ang hakbang ang ginawa nila makapasok lang sila sa covered court dahil sa lakas ng hangin at ulan. Hindi nga nakatulong ang dala nilang payong para hindi sila mabasa. Mayor Raven combs his wet hair using his finger. "Mayor Raven," wika naman ng sundalo nang lapitan siya nito. "Is everything is okay here?" tanong naman niya. "Yes, Mayor," sagot naman nito sa kanya. "No casualties?" "May mangilan-ngilan, Mayor. Pero hindi naman malala," sagot nito sa kanya. "Where are they?" tanong naman niya dito. Gusto kasing makita ni Raven kung okay lang ba talaga ang mga casualties. Iginiya naman siya ni Raven patungo sa medics, may sariling tent ang mga ito. Pumasok sila sa loob, at akmang tatayo ang volunteer nurse at doctor nang makita siya nang pigilan niya ang mga ito. "Continue what are you doing," wika niya para hindi ma-istorbo ang mga nito. Nilapitan naman ni Raven ang matandang lalaki na nakaupo do'n. "Tay, kamusta ang pakiramdam niyo," tanong niya dito. "Okay naman na, Mayor," sagot naman nito. Tumango-tango naman siya. Saglit naman siyang nanatili do'n hanggang sa napagpasyahan niyang lumabas ng tent para tingnan ang iba. Nakita naman ni Raven na nagbibigay ang mga sundalo ng bottled water at tinapay sa mamayan na naroon. Naisipan naman niyang tulungan ang mga ito. Kumuha siya ng bottled water at tinapay na i-aabot niya sa mga tao na naroon. Hanggang sa mapatigil siya ng may mahagip siyang pamilyar na mukha na nakaupo sa isang bleacher. Mayor Raven couldn't take his eyes off the familiar face he saw. It was Serena. The woman he couldn't get out of his mind, the one who haunted his dreams when he first meet her. And it wasn't just a simple dream--It was a steamy one. At mukhang naramdaman nito na may nakatingin dito dahil nagpalinga-linga ito sa paligid hanggang sa matagpuan nito ang paningin niya. And Mayor Raven stirred when their eyes met. Napansin naman niya ang panlalaki ng mga mata nito pero nang makabawi sa pagkabigla ay mabilis nitong iniwas ang tingin sa kanya. Mayor Raven clenched his teeth. Akmang maglalakad siya palapit dito nang mapatigil siya ng may lumapit sa kanya. "Mayor Raven, maraming salamat sa pagpunta niyo dito," wika ng matandang babae sa kanya. Nginitian naman niya ang babae. "Tungkulin ko po na siguraduhin na maayos ang lagay niyo dito sa ganitong sakuna," wika naman niya dito. "Ito po pala," wika niya sabay abot sa hawak niyang tubig at tinapay. Agad naman nito iyong tinanggap. "Maraming salamat po," wika nito bago ito umalis sa harap niya. His eyes shifted back to Serena, her brow furrowing as she caught her smiling warmly at the soldier handing water and snack. Mayor Raven's hands tightened into fists. He couldn't understand himself, but he disliked Serena smiling at another man. At gusto niya ay siya lang ang ngingitian ni Serena. Serena's smile is f*****g his.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD