ABALA si Serena sa pananahi ng damit nang makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas pinto ng apartment na tinutuluyan sa Pampanga. Itinigil naman niya ang ginagawa bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa harap ng sewing machine. At bago siya humakbang patungo sa pinto ay nilingon muna niya ang anak na nakahiga sa carpeted floor habang hawak ang cellphone niya. Nanunuod ito ng paborito nitong kids video. Minsan hinahayaan niya ang anak na manuod sa cellphone niya, pero may limitasyon. At binibigyan niya ito ng time limit sa panunuod. Hindi naman kasi pwedeng palagi na lang itong nanunuod sa cellphone dahil baka masira pa ang mata nito. Dapat din niya iyong balansehin. Humakbang naman siya palapit sa pinto para pagbuksan niya ang bisita niya. Wala siyang inaasahan na bi

