"READY?" Nag-angat ng tingin si Serena sa gawi ng pinto ng marinig niya ang boses ni Mayor Raven. Nakita naman niya ito sa hamba ng pinto ng kwarto at nakatingin sa kanya. He was wearing a leather jacket and underneath it was a white t-shirt. He also wore black pants. "Oo," sagot naman niya. Pagkatapos niyon ay isinara niya ang duffle bag na ibinigay nito para paglagyan niya ng mga damit na dadalhin niya sa pagpunta nila sa Tagaytay para sa one week conference na dadaluhan nito doon. Nabanggit kasi sa kanya ni Mayor Raven na kapag may conference ito na gaya ng ganoon ay isinasama nito ang secretary at ang driver s***h bodyguard nito. At dahil siya ang temporary secretary ni Mayor Raven ay kasama din siya sa conference. At sa totoo lang ay iyon ang unang pagkakataon niya na makakapun

