NAGISING si Serena kinabukasan na wala na si Mayor Raven sa tabi niya. Dati-rati ay kapag nagmumulat siya ng mga mata ay ang lalaki ang una niyang nakikita, nakayakap sa kanya. But when she opened her eyes, he was gone. Only his scent was left behind on her pillow. Naisip naman ni Serena na baka maaga nagising si Mayor Raven para pumasok. Hindi na kasi ito bumalik sa munisipyo kahapon nang malamam nito na na-sprain ang paa niya. Kahit na anong pilit niyang bumalik ito sa opisina dahil kaya naman ang sarili niya doon ay hindi talaga ito bumalik. He proceeded to cancel his scheduled appointments and instead held a Zoom meeting with his subordinates. Pinakuha nga din nito kay Kuya Calixto ang mga dokomento na kailangan ni Mayor Raven sa secretary nito at doon na sa bahay nito iyon pinir

