Chapter 8

1484 Words
DI MAIPALIWANAG ni Emilio ang nararamdamang tuwa nang sumapit ang martes. Iyon kasi ang day-off niya sa trabaho. Kung sa iba, ang sabado at linggo ay pahinga, sa kanila ay iyon ang madaming customer kaya kailangan lahat sila ay present sa mga araw na iyon. Mabuti na lang at pumayag ang boss nila na waiter na muna ang kanyang trabaho sa bar. Hindi naman ganoon karami ang customer kaya iilan lang din ang entertainer na kinukuha ng mga customer. Tila mas lalong nangibabaw ang kahihiyan niya sa kanyang trabaho simula nung makilala niya si Candice. Maaga palang ay naligo na siya para maghanda sa pag-alis sa araw na iyon. Sinuot niya ang bago at kabibili lang niyang damit nung nakaraang linggo. Naka-polo shirt lang siya at maong pants na tinirnuhan ng black n white na sapatos. Hindi niya nakalimutang mag-spray sa buong katawan ng binili niyang mumurahing perfume. Nais niyang magmukhang kaaya aya sa paningin ni Candice sa araw na iyon kung magkita man sila. Pagkalabas niya sa tinutuluyang gusali ay dumeretso siya sa sari-sari store at nagpadala ng pera sa probinsya. Saka siya bumiyahe sakay ng jeep. Ilang beses siyang nagtanong tanong sa adres na kanyang pupuntahan hanggang sa makita niya ang building kung saan nagtatrabaho si Candice. Pero bago pa man siya makapasok ay natanawan niya ang tindahan ng mga bulaklak sa tabi. Agad siyang nagtungo doon para bumili ng bugkos ng tingin niya'y magagandang bulaklak. Nagulat man siya sa laki ng presyo ay hinayaan nalang niya dahil para naman iyon kay Candice. Nang makapasok siya sa loob ng building ay doon siya kinain ng kaba. Huminga siya ng malalim bago lumapit sa isang reception doon. "May I help you, sir?" bungad ng babaeng sa tingin niya ay nasa 30 ang edad. "Ahm, andito ako para kay Candice Buencamino." "May appointment po kayo, sir." Napakamot siya sa ulo. Hindi niya alam na kailangan pa pala nun para makausap ang babae. "W-wala, ang sabi niya ay anytime pwede ko siyang puntahan dito." Ngumiti naman ang babae. "Sige po, sir. Wait lang po." maya maya ay tumawag ito sa telepono at may kinausap doon. "Hello, ma'am. May naghahanap po sa inyo." nilingon siya nito at tinakpan saglit ang telepono. "Ano pong name niyo, sir?" Tumikhim muna siya. "Emilio Magpantay, mam." "Emilio Magpantay daw po, ma'am." sabi nito sa kausap. Ilang segundo ay ibinaba nito ang telepono. "You may go, sir. Nasa 16th floor po si ma'am Candice." nakangiti nitong sabi habang itinuro ang elevator. Kinabahan pa siya nung una dahil hindi niya alam kung paano gamitin ang elevator na yun. Mabuti na lang at may kasabay siyang mga nagtatrabaho doon. Sumabay siya sa mga ito nang bumukas ang pinto ng elevator. "What floor, sir?" nakangiting tanong ng babae naka-assign doon. Mabuti nalang dahil hindi niya alam kung anong pipindutin doon. "16th floor." aniya. Pinindot naman nito ang numerong sinabi niya. Tulad ng mga tao roon na nakatingin sa taas ay ginaya niya ang mga ito. Doon ay nakita niya ang numerong nagbibilang paitaas. Saktong pag-16th na bilang ay bumukas ang pinto. Agad siyang lumabas doon. Hindi siya nahirapang hanapin ang opisina ng babae dahil agad na may bumungad sa kanyang babaeng sa tingin niya'y mas bata sa kanya ng ilang taon. "Dito ba ang opisina ni Ms. Candice?" tanong niya. "Kayo po si Mr. Emilio Magpantay?" Nakangiti siyang tumango. "This way sir." anito at inakay siya patungo sa nakasaradong pinto. Binuksan nito iyon at pinapasok siya. "Maupo muna kayo, sir. Pakihintay nalang po si ma'am." anito at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtataka sa mukha nito lalo na sa mata nitong sa bulaklak niyang dala nakatingin. Nagpakawala siya ng buntong hininga nang umalis na ito. Maya maya lang ay nangunot ang noo niya nang makarinig siya ng mahinang sigawan na nagmumula sa loob ng kwartong nakasarado sa gilid niya. _____________________________________ "LEAVE MY OFFICE, NOW!" Galit na galit si Candice habang tinutulak si Benny palabas ng kanyang opisina. "Wait, just let me explain, okay?" ito naman ay sinusuyo siya at akma pang hahawakan siya pero marahas niya itong tinutulak hanggang sa mapalabas niya ito. "I don't need your explanation, Benny. Tapos na tayo so leave---" natigilan sa pagsasalita si Candice nang makita niya si Emilio na nakaupo sa couch habang kunot ang noo na nakatingin sa kanila. Nakuha din nito ang atensyon ni Benny. At pareho nilang nakita ang bugkos ng bulaklak na dala nito. "Who the f**k is this?" bulalas nito pero hindi niya maalis ang tingin kay Emilio. Hindi niya akalaing pupuntahan talaga siya nito. "You don't care, Benny. Umalis kana. M-may bisita ako." Masamang tinitigan ni Benny mula ulo hanggang paa si Emilio. "Don't tell me, he's your suitor. Ang cheap ha." dahil sa insultong iyon ay napatayo si Emilio at tiimbagang na tumingin dito. Agad siyang pumagitna at masamang tiningnan si Benny. Bumuntong hininga siya nang may maisip na ideya. Lumapit siya kay Emilio at yumakap sa braso nito na parehong ikinabigla ng dalawa. "He's not my suitor." aniya at tila nakahinga ng maluwag si Benny. "He's my boyfriend." "What?" bulalas ni Benny. Napatingin naman sa kanya si Emilio na nagulat din sa kanya. "You heard me, Benny. Boyfriend ko si Emil. Kaya wala ka ng dahilan para bumalik pa rito!" "I can't believe this!" galit na turan ni Benny at dinuro si Emilio. "This? How come? Paano mo naging boyfriend ang lalaking 'to?" "Wala kang pakealam at umalis kana pwede ba!" sigaw niya at mas lalong humigpit ang yakap kay Emilio na kanina pang titig sa kanya. "Bullshit!" galit na dabog ni Benny saka mabilis na umalis doon. Doon nanghina ang tuhod niya kaya napakawalan niya si Emilio. "Ayos ka lang?" nag-aalalang sambit nito saka siya inalalayan paupo sa couch. Napahawak siya sa ulo niya dahil sumasakit iyon dahil kay Benny. "Pasensya kana." nag-angat siya ng paningin kay Emilio. "Mukhang mali yata timing ko." Pilit ngiti siyang umiling. "Hindi. Nagpapasalamat nga ako at dumating ka. May alibi ako para layuan na ako ni Benny. Ako dapat ang mag-sorry dahil nadamay ka pa." Ngumiti ito. "Wala iyon." "Ex-boyfriend ko si Benny. Gusto niyang magkabalikan kami pero ayuko na. Ilang beses niya akong niloko kaya hindi ko na siya kayang pakisamahan." Sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa. Maya maya ay tumikhim si Emilio kaya napatingin siya rito. "Para sayo nga pala." Iniabot nito ang bulaklak sa kanya at nakangiti naman siyang tinanggap iyon. "Pasensya kana at yan lang ang kaya ko." "Ano ka ba. Hindi kana dapat nag-abala pa, pero salamat dito." Matamis na ngumiti si Emilio. "Maupo ka muna." aya niya rito. Naupo ito sa tapat niya. Doon niya lang napansin ang kabuuan nito. Ibang iba sa huli nilang pagkikita. Mas gumwapo ito dahil sa presentable nitong suot. Natigilan lang siya nang dumako sa labi nito ang paningin niya. Pilit niyang inaalala ang sandaling hinalikan niya ito pero hindi niya iyon matandaan. Tuloy ay curious siyang muli iyong matikman. Lihim siyang napailing sa naisip. "A-ano nga palang sadya mo dito, Emilio?" "Gusto lang kitang makita." Natigilan siya. Napabuntong hininga siya sa naiisip patungkol dito. "E-Emil." "Gusto kita, Candice." Peke siyang tumawa. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Emil." "Seryoso ako, Candice. Kahit hamakin pa nila ang pagkatao ko. Hindi ko itatangging gusto kita." "Ilang taon kana ba, Emil?" seryosong tanong niya. Nagulat man at nagtaka ay sumagot parin ito. "25." anito at hindi maalis ang taka sa kanya. "Ilang taon na ako sa tingin mo?" aniya at mas lalo naman itong natigilan. "T-teka lang, Candice. Hindi mahalaga sakin---" "I'm 35." pag-amin niya. Nagsalubong lang ang kilay ng lalaki. "Sampung taon ang pagitan natin, Emil?" Sumeryoso ang mukha nito. "Hindi importante iyon sakin, Candice." "A-ano bang nagustuhan mo sakin?" nakayukong aniya. "Ikaw, Candice. Yung pagiging ikaw, iyan ang nagustuhan ko sayo." Bumuntong hininga siya. "Masyado akong matanda para sayo, Emil." aniyang may butil na luhang tumulo sa kanyang mata. Naramdaman niya ang paghawak ni Emilio sa kanyang kamay. "Magsasayang ba ako ng oras para puntahan ka rito kung hindi kita gusto?" anito at nagsalubong ang kanilang paningin. "E-Emil, ayukong pag-usapan tayo ng mga tao dahil..." Hindi niya masundan ang sasabihin. Lumayo ito sa kanya at madilim ang mukhang nagsalita. "Dahil ba sa pagkatao ko?" Natigilan siya. "H-hindi yon---" "Dahil ba sa trabaho ko, Candice? Marumi akong lalaki hindi ba?" "Hindi sa ganun, Emil." "Alam mo bang simula nung makilala kita, inayawan ko na ang trabaho ko? Bukod sa pagiging waiter ay wala na akong tinanggap pang trabaho." natigilan siya nang makita niyang lumuluha ito. "Dahil gusto kong maging malinis para sayo. Dahil gusto kita, Candice." "E-Emil..." Malungkot itong ngumiti at tumango. "Sige, salamat nalang. Baka nga nagsayang talaga ako ng oras para dito. Kung bakit kasi di ko na isip na hinding hindi ako kailanman magugustuhan ng tulad mo..." Mabilis itong tumayo at naglakad palabas. Nanlumo siya nang maiwan siyang mag-isa doon. Pakiramdam niya ay itinaboy niya ito palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD