Tinanggal ko ang shades ko at tiningnan ko siya ng masama.
"Hays, ang mga media talaga, hanggang kailan niyo ba ako tatantanan? Palagi niyo na lang akong iniistalk! Lagot talaga itong si Mike sa akin dahil ang sabi niya, malayo daw ang lugar na ito sa mga media at mabibigyan na rin ako ng peace of mind. Okay fine, kung gusto mong magpa picture sa akin, pagbibigyan kita pero dapat umalis ka na rito at wag ka nang magpaparamdam pa."
Nanatiling walang emosyon ang lalaking kaharap ko. Napatitig ako sa pindutan ng mga floors at muling ibinalik ang tingin ko sa binata.
"Oh, bakit hindi mo pindutin ang floor na pupuntahan mo? Wag mo sa akin sabihin na balak mo akong sundan hanggang unit ko!?"
Lumingon naman ang lalaking gwapo kay Ivana.
"Miss sino ka ba?" tanong niya sa akin. In fairness, hindi lang hitsura ang gwapo sa kanya, pati rin ang boses niya.
Napahawak naman ako sa dibdib sa pagkagulat sa sinabi niya.
"Ha? Hindi mo ako kilala?" muli kong tanong.
"Dapat ba kilala kita?"
Medyo namutla ako sa pagkahiya. Sigurado ako na napuntahan ko na ang lahat ng lupalop ng Pilipinas at nasisiguro ko na kilala ako ng lahat ng tao dahil sa mga patok na teleseryeng ginawa ko.
"At bakit? Wala ka bang tv sa bahay ninyo? Ako lang naman si!"
Pagbukas na pagbukas ng elevator, bigla na lang siyang lumabas ng walang pasintabi sa akin. At ang mas ikinagulat ko pa, sa mismong floor pa kung saan naka locate ang condo ko. Hinabol ko siya sa sobrang galit ko.
"Hoy kutonglupa, magbiro ka na sa bagong gising, wag lang sa lasing. Ang kapal ng mukha mo, pupunta ka pa talaga sa mismong condo ko. Wag mong sabihin sa akin na nagpaduplicate ka rin!"
Nahinto naman ako dahil mayroon pala akong katabing condo unit at binubuksan niya ito.
"Ah, hehehe! Magkapitbahay pala tayong dalawa. Ikaw naman, hindi mo sinabi sa akin na may condo ka rin dito. Gaano kana katagal na nakaitra rito?"
Pagbukas niya ng pinto, hindi na niya ako pinansin at nagdabog pa sa pagsara niya ng pinto. Dulot ng kalasingan ko, kinabog ko talaga ang pintuan niya.
"Aba, bastos ka ha! Ikaw ang kauna unahang tao na tumalikod habang kinakausap ko. Alam mo bang pumipila pa ang fans ko sa loob ng isang araw para lang makapagpa makapag pa picture sa akin, tapos ikaw babastusin mo lang ako."
Kahit na anong pilit kong pagdadabog ay patay malisya lang ang lalaki. Galit kong binuksan ang pintuan ng condo ko at kinontak si Mike. Pag sagot na pagsagot niya ng telepono, binungangaan ko kaaagad siya.
"Hoy Mike, nakakabwisit ka! Diba ang usapan natin, buong floor ng condo ang gusto kong tirhan. Wala akong pakialam kung mas mahal, ang mahalaga sa akin, wala akong kapitbahay!"
"Nako, pasensya ka na, ang sabi sa akin ng may-ari ng condo na yan, matagal na raw bakante ang isang condo na yan dahil mahal ang renta. Baka siguro aalis din yan!"
"Leche ka! Alam mo bang napahiya ako ng bongga kanina? Sabihan pa naman akong hindi niya raw ako kilala, saan ba siya nakatira, sa pluto? Paano kung taga media itong lalaking to at nagpapanggap lang na hindi niya ako kilala para makakuha siya ng mga updates sa buhay ko? Baka isang araw, magulat na lang ako na mag leak na ang private life ko!"
"Sorry na talaga Ivana. Aminado ako na palpak ako at kapag may nag leak na information sayo jan sa condo, sigurado naman ako na gagawan ito ni Sir Kent ng paraan!"
Medyo nakampante na ako sa sinabi sa akin ni Mike subalit may galit pa rin ako sa kanya.
"Okay fine, bukas, sunduin mo ako ulit dito sa condo dahil dadalawin ko ang nanay kong may sakit sa hospital."
"Oo, alam ko naman ang tungkol sa bagay na yan. Kahit na ang ganda ganda ng kotse mo, ni minsan ayaw mong magmaneho eh."
"Dahil maganda ako at pang display lang sa social media ang mga kotse ko. Anyway, sige na! Tatawagan ko pa ang kapatid ko para kumustahin si mama."
"Sige Ivana, mag ingat ka. Siya nga pala, nababasa ko ang mga comments ng netizens sa social media tungkol sa suot ninyong dalawa ni Cindy. Hindi ko na sasabihin sayo ang mga comments na nabasa ko, but sure ako na marami ang pumabor sayo sa comment section!"
I cut the call at dali dali kong binuksan ang laptop ko sa lamesa. In fairness naman, alam na alam ni Mike kung saan ilalagay ang laptop ko and he knows na gustong gusto ko na bina bash si Cindy dahil halatang halata na naiinggit siya sa kasikatan ko.
"Feeling sikat talaga si Cindy, dikit nang dikit kay Ivana para mahawa ng kasikatan."
"Wala talagang ka appeal appeal si Cindy kahit na mamahaling gown ang suotin niya. Sorry, wala talaga siyang binatbat sa ganda ni Ivana."
"Ang ganda ni Ivana, sino ba yung katabi niya, starlet yarn?"
"Ang bait naman talaga ni Ivana, pati fan ininvite mo sa Met Gala!"
Sobra akong napapangiti sa mga sinasabi sa akin ng fans. Sila naman kasi ang dahilan kung bakit sobra akong successful sa buhay. Sa kalagitnaan ng pagi-scroll ko, biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Marco- ang kapatid kong nagbabantay kay Mommy sa hospital.
"Hello Marco, kamusta jan? Tatawag sana ako, inunahan mo lang ako!"
"Ate grabe ka po, sabi mo sa akin dadalaw ka po kay mommy para magbantay! Ilang araw na po ako rito, sana naman ay dumalaw ka naman para makapag hang out ako kasama ng mga tropa ko!"
Sobra akong nahighblood kay Marco kaya nasigawan ko siya.
"HOY! MATAPOS KITANG BILHAN NG LAPTOP, GANITO ANG GAGAWIN MO SA AKIN? DIBA SABI KO BUKAS AKO DADALAW?"
"Ate wag ka naman pong sumigaw, naka loudspeaker po ang cellphone ko. Nakakahiya, nandito po ang doctor!"
"WALA AKONG PAKIALAM! AKO ANG NAGSUSUSTENTO SA INYO NI MAMA, ALAM MO NAMAN SIGURO NA SOBRANG BUSY KO DIBA?"
"Ewan ko sayo, puro sarili mo na lang kasi ang iniintindi mo. Wala ka nang ibang pinuntahan kung di puro parties!"
Bigla akong pinatayan ni Marco ng telepono. I tried contacting him again pero ayaw niya talagang sagutin. Maya maya pa, mayroong biglang kumatok sa condo ko. Dali dali akong nagpunta sa pinto at nakita ko na naman yung kutonglupang lalaki kong kapitbahay.
Nakapajama siyang damit at ang sama ng titig niya sa akin.