Inilapag ni Carlo ang damit ni Bullet sa pwesto nila Tin at Ferdie kanina pagkatapos ay sumunod na ito kung saan sila naroroon. Naabutan niya na nagkakasiyahan ang mga ito habang sila'y nagsisipaglangoy. Hindi nga nagkamali si Carlo sa kanyang sinabi kanina dahil nasipat agad ng kanyang mga mata si Zoey na nakabuntot na naman kay Bullet habang abala ito sa paglangoy. "Mukhang masaya naman si Bullet doon. Hindi na niya siguro kakailanganin pa ang dagdag na kasama." Ang wika ni Carlo sa kanyang sarili. Balak niya sana na lumangoy din sa dagat ngunit hindi siya magtatagal at agad din siyang babalik sa hotel upang makapagpahinga pa kahit sandali sa kwarto bago sila umuwi. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Carlo at agad na siyang nagtampisaw sa dagat mag-isa. Malamig at presko sa pakiramd

