Wala na itong atrasan pa. Buo na ang desisyon ng magkasintahang Morris at Carlo na sabihin kina Delfin at Susan ang kanilang itinatagong relasyon. Ngayon gabi ay aaminin din ni Carlo sa kanyang mga magulang ang kanyang tunay na pagkatao. Kasama si Tin ay agad nilang tinungo ang dalampasigan kung saan nagaganap ang kasiyahan. Naabutan nila doon ang mga magulang ni Carlo habang kausap si Bullet. Nabaling ang kanilang tingin sa pagdating nilang tatlo. "May kailangan ba kayo anak? Bakit parang namumutla ka ata? May problema ka ba?" Ang bungad na tanong ni Delfin kay Carlo. Pilit naman na pinapakalma ni Carlo ang kanyang sarili. Lalo kasi siyang kinakabahan ngayon dahil kaharap na niya mismo ang kanyang mga magulang. "Itatanong ko po sana kung pwede ko ba kayong mahiram sandali? Gusto ko p

