EP5. Three Months Off

1113 Words
Simone's POV Nakarating naman ako ng maaga sa call time, ngayon nga ay nasa harapan na ako ng sa isang malaking warehouse, dito ang meeting place kung saan kami pinapapunta pero bakit mukhang walang tao. Mukhang na-prank ako ni Charlie ah, pero hindi rin dahil naka-receive ako ng message sa mismong team head, so hindi siya prank. Bwakanang inang shet naman oh! 'Yung medyo tipsy ka na tapos bitin ka pa sa sѐx, sino ang hindi maba-badtrip supposed to be ay nasa kama pa din ako dapat ngayon ni Nick, pero eto ako ngayon nasa loob ng malaki at madilim na warehouse, at hinahanap ang mga kapwa agents ko. Kung ano-ano pang kargamento or malalaking box ang nasa loob ng warehouse na 'to na pinagpatong-patong kaya hindi tuloy agad makita ng mata ko, kung ano'ng banda meron sa may pinakaloob, need ko pa daanan ang lahat ng 'to na tila isang maze. Kinapa ko sa bulsa ng leather jacket ko, at inilabas ang ilang piraso ng tranquillizer dart na lagi ko'ng dala. Wala naman ako sa misyon kanina para magdala ng mabibigat na baril, napaka-hassle kaya nu'n kaya ito lang ang dala ko ngayon dahil napaka-light lang nito dalhin, at napakadali pang ipuslit sa security dahil nga maliit lang. Inilabas ko na ito, just in case lang for safety, dahil hindi ko alam kung ano ba ang meron sa loob ng warehouse na 'to, mabuti na ang nag-iingat dahil hanggang ngayon ay naglalakad pa din ako sa maala-mazed na daanan na ito na puro box or kung ano-anong item ba 'to, parang sa tingin ko nga ay nasa warehouse ako ng kilalang online shop, mga parcel ata ito eh. Habang naglalakad ay unti-unti ako'ng nakakarinig ng ingay kaya hinawakan ko na ng maigi ang tranquillizer dart, napakadali lang naman nitong gamitin, ihahagis ko lang or ituturok ko mismo banda sa may neck or buttocks ng kalaban, at kung malayo naman ang kalaban ay kailan ko gamitan ng transquillizer gun pero wala ako'ng dala nu'n so no choice ako, kung sakali man ay need ko makipaglaban ng mano-mano bago ko magamit sa kalaban. Hanggang sa palapit na ko ng palapit sa mga boses na naririnig ko, at kilala ko ang mga boses na 'yun kaya ibinalik ko na lamang sa bulsa ng jacket ko ang tranquillizer dart na mga hawak ko. Panay ang tawanan nila, ano na naman kayang ang walang kwenta nilang pinag-uusapan hanggang sa natapos na ko sa paglalakad ng mala-mazed na patong-patong na mga boxes, parcel or whatever. "Oh eto kapag nahulaan mo ang sagot dito, isang daan, ano ang tawag sa nag iisang langka?" Hindi naman makasagot ang iba sa tanong ni Bridget, isa sa mga agent at trip talaga niya lagi ang magpahula or magpasimumo ng kung ano-anong laro kapag wala kaming ginagawa. Wala naman makasagot sa tanong niya kaya parang tuwang tuwa na naman ang loka. "Ano wala talagang may alam?" Ang saad pa niya kaya nagpasya na ko'ng lumabas at sumabat sa usapan nila. "LANGKAsama." Napatigil naman silang lahat, at napatingin sa direksyon ko, at ilang saglit lang ay nagpalakpakan na sila dahil sa entrance na ginawa ko. "Ang daya hindi ka naman kasali." Ang sabi pa ni Bridget, na tila nayamot na nasagot ko ang tanong niya. "Ano Sim, late ka na?" Ang sabi naman sa akin ni Charlie. Nginisian ko naman siya bago sumagot. "I'm not late, everybody simply just early." So nandito na pala silang lahat, at ako na lang pala talaga ang kulang pero hindi rin, wala pa pala si DB ang boss namin. May isang long table, at nakaupo silang lahat doon. "Ayos ang porma ng table na 'to ah, ano 'to last supper?!" At tumawa pa ko, bago umupo ng tabi kay Charlie, pero walang natawa sa joke ko. Shìt! Napahiya ako du'n. "I don't understand bakit tayo pinatawag basta basta, at sa ganitong oras pa?" Ang sabi ni Amirah, isa ding agent pero hindi kami close. Actually lahat sila hindi ko naman masyadong ka-close tanging si Charlie at si Tris, pero sadly nag-stop na siya sa pagiging agent dahil nag-asawa na kaya kaming dalawa na lang ngayon. Bigla naman nagliwanag ang buong warehouse. Ang dami naman palang ilaw dito, pinahirapan pa kami sa maglakad sa madilim at mala-maze na daanan. Dumating na ang aming Boss, we call her DB. Mukhang importante ang announcement niya at biglaan ang pagpapatawag ng meeting, sana naman ay bawiin niya ang pagiging inactive status namin. "May idea ba kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat dito?" Nagtaas ng kamay si Amirah, at tinanguan naman siya ni DB hudyat na pwede na siyang magsalita. "You will explain kung bakit naging inactive ang status namin sa org." Thanks to her, halos lahat ata kami ay 'yun ang gusto na malaman kung bakit ganu'n ang nangyari. "Right, at gusto ko ipaalam sa inyo na mananatili ang pagiging inactive status niyong lahat sa loob ng tatlong buwan!" Nagkaroon naman ng komosyon, sari-saring ingay kanya kanyang komento ang ibang agent habang kami naman ni Charlie ay nagkatitigan lang. Nakapag-vent out na din kasi ako kanina nung nasa bar kami ni Charlie, kaya medyo kalmado na 'ko. "Okay, calm down agents! I assure you after three months ay mas magiging maayos ang lahat at magkakaroon pa kayo ng opportunity para ma-enhance ang inyong skills." "What do you mean to enhance our skill, we are already an agent!" Ang agad na reklamo ni Amirah. "Sorry, I cannot disclose any information right now, but for now pumila muna kayo ng isang linya, all of you must comply, we will inject you with a tracking device that will be activated only if you are reported missing. Just a precaution, although hindi inactive ang status niyo sa org ay may mga tao pa din itinalaga na magmo-monitor ng galaw niyo." Mautak din talaga 'to si DB, May idea ako kung bakit niya 'to ginagawa, just a precaution my ass pa siyang nalalaman. Kaya niya 'to ginagawa dahil baka mainip ang ang mga agents at pumunta sa kakumpentensiya or worst pumunta sa mga mob at du'n magtrabaho. It's her way to test our loyalty, matira ang matibay kung sino ang makakabalik after three months. Kita ko ang mukha ng other agents, halata naman na napipilitan din pumila pero no choice, mahirap kalabanin si DB, lalo pa na sinabi niya na all of us must comply. Wala naman sa aking problema, loyal naman ako sa org., at isa pa DB is our boss, alam ko na kung ano man ang plano niya ay mas makakabuti 'yun kaya ginagawa niya ang lahat ng 'to. Ang problema ko ngayon ay ano ang gagawin ko sa loob ng tatlong buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD