I'm Willing To Let You Forget Me For A Lifetime Nanatali akong nakasandal sa pader hanggang sa dumating ang umaga. Magdamag akong nakatingin kay Cali habang natutulog, gusto ko siyang patulugin sa mas komportable, hindi sana dito ang pagdadalhan ko sakanya, hindi ko sana ginawa ito sakanya pero ang lahat ay nangyari na. Iniuntog ko ang ulo sa pader. Naalala ko ang huli naming pinag-usapan kagabi. Napatawa ako ng mahina dahil don, kasi masakit. Sobrang sakit, yung nagmumukha na akong desperado para makuha ko lang ulit siya dahil sa kagustuhang bumawi dahil kung alam ko lang noon pa na walang wala na pala ako para sakanya ay sana hindi na umabot sa ganito. Bahagya akong napatayo nung gumalaw siya sa pagkaka-upo, lumapit ako sakanya ng kaunti pero gumuguhit parin ako ng distansya na pa

