The Root Of All The Wraths
Lucas's Point of View
Hindi ako pinatulog ng konsensya ko. Dahil ba sa yakap Lucas?
Bumangon ako sa pagkakahiga dahil kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ay hindi ko magawa.
Alam ko noong una na mali, mali yung itago kay Calista yung totoo. Pero ang makitang ganon kagulo ang magiging sitwasyon dahil sa magulong pag-iisip at galit ni Shawn sakanya ay hindi ko magawa dahil baka nga, baka naging mas mabuti sa dalawa yung may nakalimot sa kung anong meron sila, dahil sa nakikita ko komplikado ang lahat.
Tumayo ako saka lumabas sa kwarto, tumungo ako sa kwarto ni "Cloe" ng tahimik. Binuksan ko bahagya ang pinto saka sya sinilip sa loob.
Mahimbing na syang natutulog. Bumalik ako sa kwarto at saka napag-isipang magpahangin muna sa itaas. Kinuha ko ang cellphone ko saka ako kumuha ng juice sa ref saka na umakyat.
Sandali palang akong nandito habang nakatitig lang sa cellphone ko. Sumipsip ulit ako ng juice nang biglang tumunog ang hawak ko.
Twinkle sent you a photo.
Habang nakasipsip parin ako sa juice ay pinindot ko ang notification.
'Bro's such a loner.'
Napangiti ako dahil sa isinend na picture sa akin ni Twinkle, nakatalikod at halos di na makita sa dilim ang larawan ni Ralph — isa sa mga naging kaibigan ko sa isang Unibersidad kung saan ako nagtapos sa kursong ito. At si Twinkle ang kanyang nakababatang kapatid.
"Di ka pa ba matutulog?" Pagkatapos kong isend yon ay sumipsip ulit ako hanggang sa naubos na ang laman ng juice. Nag vibrate naman ulit yung phone ko.
'Hindi ako makatulog kuya, puntahan mo kaya si kuya dito matagal na rin tayong hindi nakapaglaro ng jengga.' Umiling iling ako saka nagtype ng maiireply.
"Matulog ka na." Isinend ko iyon saka ako lumipat sa numero ni Cara. Kalapit lang kami ni Cara, nasa kabilang block lang yung apartment nya, pinili nya yon kasi malapit sa Hospital.
"Cara, pumunta ka sa bahay pwede kang dito nalang magpalipas ng gabi bantayan mo lang si Cloe, aalis ako. Ngayon lang to, iiwanan kong bukas ang pinto." Isi-nend ko ito sakanya, naghinatay ako ng reply at hindi naman ako nabigo. Alam kong hindi pa tulog si Cara.
'Okay po, isara nyo lang yung gate baka sakaling matagal tagalan ako. Update ko po kayo kapag nasa inyo na ako, pwede na po kayong umalis.'
Pinagkatiwala ko kay Cara yung bahay tsaka si Cloe. Mabilis kong pinaandar palabas ng bahay yung sasakyan. Sinara ko yung gate kahit hindi naman talaga mismong naka lock.
Alas dyes y medya na nang makarating ako sa subdivision nina Ralph. Pinaalam ko kaagad sakanya na nasa labas ako.
Ilang sandali palang akong nakatayo sa tabas ng gate nila nung may nagbukas na agad nito. Yung sekyu ng bahay nila ang bumungad sa akin.
"Magandang gabi po." Bati ko. "Tuloy po kayo sir." Tumuloy ako sa loob habang yung sekyu naman ang nagsara ng gate. Bago paman ako tuluyang makapasok ay tumunog yung cellphone ko.
'Sorry at hindi po ako nakapagtext agad, nagising si Cloe at nakapagkwentuhan kami.' Nagreply lang ako ng okay tsaka ipina-alala sakanya yung sleeping time ni Cloe.
Hindi ako gumawa ng tunog dahil baka nakaidlip na si Twinkle. Tinungo ko ang veranda ng bahay na nasa third floor.
Nakatalikod palang si Ralph ay alam kong sya na dahil sa hawak nitong gitara. May kape sa mesang nasa tapat nya habang nakaharap naman ito sa labas.
"Nakapatay yung ilaw, nagtatago ka na naman sa dilim. May problema ka na namang dinadala." Panimula ko, tila ba'y hindi ito nagulat at bahagya lang na lumingon pero hindi deretsahang nakatingin sa akin saka humigop ng kape mula sa tasa.
"Hindi ako makatulog." Malamig na sagot nito. Si Ralph matagal ko nang kilala, hindi sya expressive at may social anxiety disorder sya. Hindi nya pa naikwento ang dahilan at alam kong ayos lang dahil maselan ang mga bagay bagay sa buhay.
"Ako din naman. Umakyat na ako sa itaas baka sakaling dalawin ako ng antok pero wala." Sabi ko habang nakaupo din sa upuang nasa gilid na katabi lang din ng mesa.
"Pinagsabihan ka ng kapatid ko na pumunta." Ngumiti ako at bumuntong hininga. "Mukha ka dawng problemado, at halata naman dito." Iniharap ko sakanya yung larawang pinasa sa akin ng kapatid nya. Walang kung ano mang reaksyon ang gumuhit sa mukha nya.
"Death anniversary ng anak ni Mr. Santos ngayon, at sa susunod na taon ay magkasunod na ang death anniversary nila." Hindi na ako nagulat dahil narinig ko na din ang tungkol sa namatay na kapatid ni Glen— ang anak ni Mr. Santos, pero wala akong ideya kung saan patungkol ang usapan. Hinayaan kong magkwento si Ralph, kahit ngayong gabi gusto kong may maikwento sya. Makakatulong yon para resolbahin ang problema nya sa paligid.
"Kilalang kilala mo yata ang anak nya." Tugon ko.
"Girlfriend ko." Napatingin ako agad sa direksyon nya. "Namatayan ka ng girlfriend." Paglilinaw ko, bahagya lang itong tumango saka na ulit binaling ang atensyon sa gitara.
Inisa isa nyang patunugin yung strings ng gitara, tapos bigla nya naman itong pinatahimik gamit ang palad nyang nakadapo sa lahat ng strings.
"May kondisyon si Gley noon. Hindi sya pwedeng ma-presyon. Pressure ang dahilan kung bakit hindi ko sya pwedeng iwan kahit ilang sandali, kaylangang lahat ng gumagambala sakanya ay alam ko, kaylangang may isang taong makapagpakalma sakanya. Pero nawala lang ako ng isang araw, isang araw sa loob ng napakaraming panahon, naubos ang matagal kong ipinundar na pasensya, gusto nya akong umalis at hindi ako nasanay sa hindi nya pag amin sa akin ng problema. Pinagsisisihan ko ang sarili kung bakit ko siya tinalikuran sa panahong yon na nalilito sya." Walang ekspresyon nyang kwento. Napatingin ako sa malayo habang hinihintay syang dugtungan ang kwento nya.
"Tatlong taon na. Pero bago sya nawala madami na syang pinagsisisihan na dapat ay hindi nya ginawa."
"Kaya siya nagpakamatay?" Base sa lahat ng narinig ko ay tanging suicide ang nakikita kong dahilan ng pagkamatay nya. Mapait syang tumango.
Sa puntong to ay may bumuong tanong sa isip ko.
"Anong naging dahilan? Sa lahat lahat." Hinigop nya ang natitirang laman ng kanyang tasa bago nagsalita.
"Nagsimula ang presyon na nabuo sa sarili nya nang mapagtanto ang nararamdamang nahahati sa dalawa at yon ay sa kadahilanang nagkagusto din sya sa pinsan kong malapit sakanyang ama. Si Shawn."