Amy Hapon na nang ihatid ako ni Lennon pabalik sa amin. Gustuhin man namin na makasama ang isa't isa ng matagal ay hindi puwede dahil marami pa siyang trabaho at ganoon rin ako. Sulit naman ang dalawang araw na magkasama kami. We satisfied each other desires. Each day ay mas lalo ko siyang minamahal. Naipapakita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Sapat na siguro ito para mapanatag ang loob niya at hindi nag aalala sa akin sa tuwing malayo kami sa isa't isa. Hinaplos ko ang panga niya nang pumara ang sasakyan niya sa gilid ng highway. "Tawagan mo ako at i-text kapag may mga free time ka." Ngumiti siya sa akin sabay tango. "I'll do that, baby girl." Nilapit ko ang mukha sa kaniyang mukha at dinampian ko ng halik ang labi niya. Mababaw lang iyon pero parang nagmarka sa mga la

