(3rd POV) Nagmamadali si Lennon na bumaba sa kaniyang sasakyan nang makarating sa bahay. Pinahatid niya si Amy kanina kay Koa dahil wala na siyang oras na ihatid ito simula nang malaman ang nangyari sa kanilang mansyon. Sino ba itong malakas ang loob na pagtangkaan na sunugin ang kaniyang teretoryo? Sa chopper na sila kumain ng tanghalian habang nasa himpapawid. Wala na silang oras para mag-stay pa sa Palawan. Sa tagal niyang nakatira dito ay ngayon pa siya nagkaroon ng mga kaaway na hindi na naman niya alam kung saan nanggaling. Sa pagkakaalam ni Lennon ay wala pa siyang nakabangga o nakaaway sa negosyo kahit noong hawak pa niya ang kanilang kompaniya. Agad siyang sinalubong ni Rambo. Labis na nag aalala mula sa nangyari kahapon. Kagagaling din nito sa police station dahil ipakita

