Amy Hindi ko na halos mahintay na sana ay weekend na. Sana makaalis na ako dito sa bahay namin dahil masyado akong nasasakal sa pamamahay na ito. Naiinis akong makita na halos dito na tumira ang lalaking kalaguyo ni Tita. Bwesit! Dumagdag pa sa pakakainin. Wala namang trabaho kun'di ang magpalaki ng katawan. Isa pa sa kinagagalit ko ay kung maglampungan sila ay para bang sila lang ang tao sa loob ng bahay. Hindi nila ma-consider na may tao sa kabilang kwarto. Nawalan na rin ng hiya si Tita at naging balahura na. Hindi na nahihiya sa akin kahit pamangkin niya ako. Ano bang gagawin ko? Noon ay kinasasakal ko ang gun machine niyang bibig, ngayon naman ay ang pagpapatira niya ng lalaki rito sa bahay. "Amy, timplahan mo nga kami ng kape." utos niya. Nasa pahabang upuan sila at nagtititig

