Amy "Tita, aalis na po ako. May mga pagkain sa kusina ikaw na ang bahala. Iyong mga nilabhan ko pakipasok na lang mamaya." Bilin ko. Namaywang siya. Tatarayan na niya ako pero bigla ko siyang binara. "Huwag kang aalis ng bahay. Maga pa iyang mata mo. Halata ang black eye." "Oo na! Pinapangaralan mo pa ako. Mag-iingat ka sa daan." Inabot ko ang bag at lumabas ng bahay. Hindi na naman narisa ang mood ko ngayong umaga dahil wala sa tindahan ang grupo ni Lando. Pagkarating ko sa highway ay agad kong nakita si Rambo. Nakasandal sa sasakyan at naninigarilyo. Nang makita niya ako ay pinatay niya ang sigarilyo at inapakan. Kinawayan niya ako. "Miss Amy?" Ngumiti ako sa kaniya. Mukhang mag-isa siya ngayon. "Kumusta ka?" Tanong ko. Dalawang linggo ko siyang hindi nakita. "Okay p

