Chapter 31

2018 Words

Amy Kanina ko pa pinagmamasdan ang love ring sa kamay ko na sinuot niya rito. Ang ganda ng diamond ring. Maliit lang ang bato pero alam kong mamahalin rin ito. Hindi ko siya napilit kanina na sabihin sa akin ang presyo pero alam kong mapagsasalita ko rin siya isang araw. Ngumiti ako at hinaplos iyon sa daliri ko. Itatago ko rin ito dito sa condo unit dahil hindi ko puwedeng dalhin sa bahay namin. Baka maiwala ko pa ito o kaya makita ni Tita lalo at hindi pa siya pumapasok. Hinubad ko iyon at nilagay sa set ng mga jewelry ko. Pumasok si Lennon sa kuwarto at nilapitan ako. "Iiwanan ko ito rito. Kapag magkasama tayo ay saka ko isusuot. Nag-aalala akong baka maiwala ko." Nginitian ko siya at hinaplos sa panga. Tumango siya sa akin. "It's up to you, baby girl." "Aalis na ba tayo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD