Chapter 4

2154 Words
Amy Naalimpungatan ako nang makaramdam ng ginaw. Malakas ang power ng aircon kaya ang lamig lamig na. Ginalaw ko ang katawan pero napangiwi ako nang sumilay ang kirot sa pagitan ng aking mga hita. Masakit rin ang mga braso ko. Para akong nagkasugat sugat at lahat ng muscles ko ay masasakit. Masarap pa sanang matulog pero nakakahiya. Hindi ko ito bahay. Narito lang ako para magbayad ng utang. Pinilit ko ang sarili na bumangon kahit masakit ang p********e ko. Nakangiwi ako sabay kagat ng ibabang labi. Ganito ba talaga? Lalo na at napakalaki niya. Hindi talaga ako nagkamali noong masulyapan ko ang haba ng size ng kaniyang paa. Wala na. Wala na ang virginity ko at sa isang matanda ko pa naialay. Siya pa ang nanalo sa p********e ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipagpapatuloy na makipagrelasyon kay Lyndon kapag bumalik na siya rito sa Pilipinas. Siguro ay magpapakatotoo na lang ako sa kaniya. Puwede ko naman sabihin na nagkamali ako, nakipagsiping ako sa iba. Mas maigi na ang tapat at nakadepende na sa kaniya kung tatanggapin niya ako. I sight. Bumukas ang pinto kaya napaigtad ako. Matamis siyang nakangiti sa akin. Gosh! Pinapabilis na naman niya ang t***k ng aking puso. Wala naman akong nararamdaman sa kaniya pero bakit ganito nagwawala ang puso ko? Nilapitan niya ako. Sinusundan ko na lang siya ng tingin habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot sa tapat ng aking dibdib. "Hey, gising kana pala?" I swallowed. Gusto ko siyang ngitian pero bakit ako naiiyak? Yumuko ako at tumikhim na lang. "Hey, Siri can you off the Aircon." Napaangat ako sa kaniya ng tingin. Kumunot ang noo ko. Biglang namatay ang aircon. May magic ba siya? May kinausap lang at agad nasunod ang kaniyang hiling. Nagpalinga linga ako. Hinahanap ko ang kaniyang kinausap. He chuckled. "Walang tao rito maliban sa atin, Amy." Tumingin ako sa kaniya. "Eh sino iyong inutusan mo?" He licked his lower lip and smiled. "Do you know why I like you so much, Amy? You're so innocent and pure." Muli akong napalunok. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang titigan niya ako. "Come here. I'll wash you." Aya niya. "Hah?" Sabay tingala ko sa kaniya. Paliliguan niya ako? Kaya ko naman maligong mag-isa at isa pa hindi na ako bata. Lumuhod siya sa tapat ko at hinawakan ang kumot na nakabalot sa akin. Dumagundong ang dibdib ko. "Ahmm ako na lang..." Nag-init ang magkabila kong pisngi. Nahihiya ako. Nahihiya talaga ako ng sobra sobra. Tumango siya at lumayo sa akin. Sinubukan kong tumayo pero muli akong napaupo. Napapikit ako lalo sa pagkapahiya mula sa kaniya. Baka itong mukha ko ay kasing pula na ng kamatis. Hindi na niya ako ulit tinanong at hinubad sa akin ang kumot. Nanlalaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako. Agad kong naipaikot ang mga bisig sa leeg niya upang doon kumapit. Maingat niya akong binaba sa shower. Wow! Pati banyo niya ay napakagara. Nilagyan niya ng tubig ang bathtub. Pinuno iyon pagkatapos ay may nilagay na bilog. Natunaw iyon sa tubig at humalimuyak ang mabangong amoy. Kakaiba talaga kapag mayaman. Maraming ginagamit sa tuwing maliligo. Napalunok ako sabay pilig ng ulo. Ngunit bigla akong nagulat nang maghubad rin ito. Nanlalaki ang mga mata kong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ayaw kong makita ang nasa pagitan ng mga hita niya. That was scary. . .and that's hurt me a lot. Pumaloob siya sa shower. Pumuwesto sa likod ko at sinandal niya ako sa kaniyang malapad na dibdib. I couldn't protest. Para niya akong alipin at siya ang hari ko. Kung ano lang ang ipapagawa niya sa akin ay iyon ang nasusunod ko. Pero sa bait at gentleman ni Lennon ay walang babaeng hindi mahuhulog ang loob sa kaniya. Bakit siya single hanggang ngayon? Ang hirap naman paniwalaan kung never been in love siya. Kung sasabihin niya iyon ay hinding hindi ako maniniwala. "Is there something bothering you? You can asked me." Inayos niya ang buhok ko at dinampian ako ng halik sa balikat. Ramdam kong nakaupo na ako sa matigas na bagay sa kaniyang pagitan. Nag-init muli ang mga pisngi ko. "Sasagutin mo ba ako kung magtatanong ako?" Balik tanong ko sa kaniya. Ayaw ko siyang lingunin. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi ko kinakaya na nakikipagtitigan sa kaniya ng matagal. "As long as I have an answer then I will." Lumunok akong muli. Binasa ko ang labi sabay tikhim ng mahina. Nasa tagiliran ko na ang malalaki niyang palad at humahaplos iyon. Mariin kong pinagdikit ang mga hita dahil nakaramdam ako ng kakaibang init doon. "Nagpakasal kana ba? Divorce or biyudo?" Naramdaman kong ngumisi siya. Pinatong ang mukha sa balikat ko at inamoy ang aking leeg. Nakiliti ako nang tumama ang balbas niya sa leeg ko. "I am divorce," tipid niyang sagot. Okay. Divorce pala siya. Bakit kaya? Muli akong nagtanong. "May mga anak kana ba?" Dinampian niya ulit ng halik ang balikat ko bago ako sinagot. "I have one son." I swallowed again. Bumaba ang kamay niya sa hita ko at doon ako hinaplos na tila nanunukso. Napapikit ako nang dumako iyon sa pagitan ko. I need to stop him, dahil hindi ko pa kaya kung gagalawin niya ako ulit. Baka hindi na ako makapaglakad nito. Hinawakan ko siya ka kamay. "L-lennon..." He groaned in my back. Napasandal ako sa kaniya nang haplusin niya ang pagitan ko. "Lennon. . .ayaw ko pang m-maulit..." s**t! Gusto kong idagdag na masakit pa ang p********e ko pero hindi na nakayang sabihin ng bibig ko. He hug me from my back and kissed my cheek. "I know, baby. I know. Hindi naman kita aangkinin ulit ngayon." Bulong niya. Para akong sinabuyan ng apoy sa mukha sa sobrang pagkapahiya. Pero talagang hindi ko pa kaya. Masakit na masakit pa. Mabuti na lang at naginhawaan ako nang lumublob na kami dito sa bathtub. Inabot niya ang sponge at nilagyan ng shower gel. Marahan niya iyong hinulod sa katawan ko. Ang sarap niya mag-alaga. How can he ended up divorcing his ex wife? Sino kaya sa kanila ang nakipaghiwalay? At kung ang ex wife man niya ang nakipaghiwalay ay masasabi kong mali ang disisyon niya sa buhay. Hindi ko lubusan na kilala si Lennon pero masasabi kong mabait naman siya at sobrang maalaga. Hindi naman siguro ito pagpapakitang gilas lang upang makuha ang loob ko. Siguro naman ay totoo itong mga pinapakita niyang magandang asal sa akin. Wala akong ginawa sa shower dahil siya ang kusang nagpaligo sa akin. Pinasuot niya ako ng ruba at nilagyan ng towel ang basa kong buhok. Paglabas namin mula sa shower ay ligpit na ang kama. Siguro ay pumasok ang maid kanina habang naliligo kami. Sana lang ay hindi narinig ang usapan namin. Pero dahil wall prof daw ang kwarto niya ay marahil walang maririnig ang kasambahay kahit idikit pa ang tainga sa may pintuan. Ngayon ko pa naisip na wala pala akong pambihis. Atsaka hindi ko na makita ang mga damit kong hinubad niya sa akin kanina. Dumagdag pa sa iisipin ko iyong bedsheet na may pahid ng dugo. Makikita iyon ng maid. Mahihiya na akong humarap sa kanila. "I brought clothes for you." Lumapit siya sa sofa at kinuha ang box. Hindi ko ito napansin kanina. Binuksan niya iyon at kinuha ang laman. Ngumiti sa akin at inabot. "Salamat." Nginitian ko siya pabalik. Nahiya ako nang may kasama iyong underwear. Alam kaya niya ang size ko? Pero nang isuot ko ang bra at panty ay kasyang kasya naman sa akin. Para nga akong sinukat. Iniwan niya ako sa kama at pumasok siya sa walk in closet niya. Agad kong sinuot ang kulay blue na bestida. Hangging iyon at walang desenyo. Simple lang at nagustuhan ko naman. Tinuyo ko ang buhok at nagsuklay sa harap ng vanity mirror niya. Pinaikot ko ang mga mata sa buong kwarto. Simple lang pero alam kong bawat gamit rito ay milyones ang halaga. Makikita mo naman sa ganda ng materyales. Lumabas siya. Nakasuot na ito ng itim na slacks at puting long sleeve na plantsdong plantsado. Wala na yata akong makitang kusot sa sobrang plaits niya. Nakabukas ang buttones niya sa dibdib at nakikita ko ang matipuno niyang dibdib. Ang guwapo ni Lennon. Maraming beses ko na siyang pinuri sa isipan ko. Siguro ay ang guwapo rin ng anak nito. Nginitian niya ako habang inaayos niya ang mamahaling relos sa pulsuhan. "May lakad kaba?" Hindi ako nakatiis na nagtanong sa kaniya. Wala akong kilala rito sa bahay niya kaya naman maiilang ako kapag iniwanan niya ako rito. "After our lunch, aalis tayo." Tumayo ako. "Saan tayo pupunta?" Sinulyapan niya ako. "Golfing. Isasama kita at tuturuan na rin mag-golf." Tipid lang akong ngumiti. Nawawalan ako ng salita kapag ganitong kinakausap niya ako. Pinasadhan niya ako ng tingin pagkatapos ay inayang lumabas. Pinagsiklop ko ang mga kamay at mahinang kinukurot ang mga daliri ko. Kinakabahan ako at nenerbiyos. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Sabay kaming pumasok sa kusina. Muli na naman akong nahiya nang may maabutan kaming mga kasambahay sa loob ng kusina. Sigurado akong iba ang iniisip nila. Malinaw pa sa tubig na mas bata ako sa amo nila. Para na niya akong anak kung tutuosin. Isinantabi ko ang hiya at sumalo sa kaniya sa hapag. Kanina pa ako nagugutom dahil nasaid ang lakas ko. Inasikaso niya ako at pinaramdam sa akin na huwag ako mahihiya. Na wala akong dapat ikahiya sa kaniya dahil magkakilala na kami. Pagkatapos naming kumain ay isang oras lang ang nilagi namin sa mansyon. Agad niyang tinawag si Rambo at pinagmaneho kami papunta sa golf club. Hindi ko siya masabayan dahil hindi pa ako familiar sa mga ginagawa niya. Nakasunod lang ako sa kaniya at nakamasid ng tahimik. Pumusisyon siya sa field at pinalo ang bola. Sina Rambo ay nakatayo sa gilid at tahimik na nakamasid sa kanilang amo. Mag-isa lang siyang naglalaro. Tinawag niya ako. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Halika. Ikaw naman." Nakagat ko ang ibabang labi. "Hindi ako marunong." Ngumiti siya. "Tuturuan kita hanggang sa matuto ka." Tumango ako. Pumuwesto siya sa likod ko. Niyakap niya sa baywang ko ang mga braso at hinawakan ako sa kamay. "I-bend mo lang ang kamay mo, baby girl. Relax lang ang katawan." Napalunok ako. Sinunod ko ang gusto niya. "G-ganito ba?" Nauutal kong tanong. "Yes, baby girl, like that. Hit the ball." Sinunod ko siya pero hindi ko tinamaan ang bola. Gusto kong tumakbo palayo sa kaniya dahil nakakahiya ako. Napakatanga ko talaga. Paano kasi itong puso ko ay nagwawala na sa loob kaya nawawala na rin ako sa katinuan. He chuckled. Nilingon ko siya at sinimangutan. Ngumiti siya sa akin. "Don't be afraid to fail, Amy. Be afraid not to try." Lahat yata ng mga salitang binibitiwan ni Lennon ay may mga laman na hindi ko makakalimutan. This guy is clever. "Subukan mo ulit hanggang sa matuto ka. Let's try again, okay." Muli niya naman hinawakan ang kamay ko. "Hit the ball." Muli kong pinalo. Tinamaan ko naman pero dalawang dipa lang yata namin ang narating ng bola. Binitiwan ko ang stick. Paglingon ko sa kinatatayuan nila Rambo ay natatawa na sila. Mahinang tumawa si Lennon at sinigawan ang dalawa. "Stop laughing at my girl! She did best!" Nag-init ang puso ko. Lennon, tigilan mo na ang kapupuri sa akin. Baka maniwala na ako at mahulog ng tuluyan ang loob ko sa'yo. "Miss, Amy. Fighting!" Tinaas pa ni Rambo ang kamay sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras. They're really nice to me. Pinulot ko ang stick at mag-isa na akong nag-practice. Paulit ulit kong hindi natatamaan ang bola pero hindi ako sumusuko. At nang sa huling bola ko ay doon ko pa na shot. Masayang masaya ako. Nagsisigaw pa ako sa tuwa at niyakap si Lennon. I don't know, I'm just happy when I hit the target. "I did it! I did it!" Niyakap niya ako ng mahigpit. "You're the best, baby girl." Pumapalakpak na rin sina Rambo. Ngunit agad akong napabitaw kay Lennon nang may tumawag sa kaniya. "Lennon!" Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isang matangkad at blondeng babae ang lumapit sa amin. Matanda siya sa akin. Maganda at balingkinitan ang katawan. Nakangiti siya kay Lennon habang papalapit. "Nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap." Kahit nasa tabi ako ni Lennon ay kumapit pa rin ito sa balikat niya at humalik sa pisngi ni Lennon. Napalunok ako sabay iwas ng tingin. "What are you doing here, Kerra?" Magkakilala sila? Baka babae niya? Malayo naman sa itsura nila kung magkapatid sila. Sumakit ang puso ko. "I was looking for you. . ." She stop and looked at me. "Who is this young girl?" Kumunot ang noo niya. Lennon cleared his throat. Lumapit sa akin at hinapit ako sa baywang. Napasinghap ako ng mahina. Tiningnan ako ni Lennon at nginitian. "She is my precious girl." Namimilog ang mga mata ng babae sa amin. Ps: Enjoy reading hehehe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD