Amy Mahigpit akong kumapit sa braso ni Lennon at siniksik ang mukha sa kaniya upang hindi ako makita mula sa kinauupuan ni Tita. Nanuyo ang lalamunan ko at takot na takot akong makita niya rito kasama si Lennon. Ang alam niya ay kasambahay ang trabaho ko. Pero paano kapag nakita niya akong may kasamang lalaki? Hinawakan niya ako sa kamay at hinapit sa baywang. Lumingon siya ulit sa kinauupuan nila Tita bago niya ako inakbayan at sabay kaming pumasok sa loob. Nang makapasok kami sa VIP room namin ay napahinga ako ng maluwang. Naiwan sina Rambo at Koa sa labas. Baka doon rin sila naghanap ng mauupuan. Hinatiran kami ng menu at tubig. Namamawis pa rin ang mga palad ko hanggang ngayon sa sobrang kaba na nararamdaman simula nang makita ko si Tita Glena. She was with someone, pero ang la

