Chapter 1

2092 Words
[Amy] "Amy!" "Amylou!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na boses ni Tita. Masakit ang ulo ko dahil kakaidlip ko pa lang. Napuyat ako kagabi dahil sa research ko. "Amy! Ano ba?!" ulit niya. Hinilot ko ang sentido. Parang gun machine ang bunganga ni Tita. "Bumangon kana nga diyan at timplahan mo ako ng kape!" Kinukusot ko pa ang mga mata nang lumabas ng kuwarto. Maliit lang itong bahay namin at nasa squatter area pa. "Tutulog-tulog kapa diyan? Anong oras na! Wow! Masarap ang buhay!" Kung may susukuan man ako sa buhay ay itong bunganga ng Tita ko. Wala na akong magulang at tanging siya lang ang karamay ko sa buhay kaya napagtitiisan ko. Agad akong nagpainit ng tubig sa luma naming takore. Kumuha ako ng tasa at nilagyan ng kape. Mukhang mainit ang ulo ni Tita ngayon. Magulo ang buhok at nagkalat pa ang lipstick sa kaniyang labi. Badtrip yata sa costumer. Napailing ako. Sa pagiging GRO lang niya kami umaasa. Kapag walang costumer ay wala kaming maayos na pagkain. Sa totoo lang, nahihiya na rin ako sa kaniya. Sinusubukan niyang kumayod para lang sa amin. Sa katunayan nga ay siya ang nagbabayad ng tuition fee ko. Pero sa mga linggong lumipas ay parang mainit palagi ang ulo niya. Wala din nabibiling maayos na pagkain. Kaya kapag dumadating rito sa bahay ay nasisigawan niya ako. Panay rin ang paninigarilyo at pagdadabog. Nilapag ko ang kape sa harapan niya. Tiningnan niya ako. "Anong pinaggagawa mo at puyat ka? May ginagawa ka bang anumalya rito?" Mataas ang boses niya. Agad akong umiling. "Nag-research po ako magdamag. Mag-exam na kami next month." She tsked. Inabot ang kape at sumimsim. Nagmura siya nang mapaso. Hindi man lang kasi hinipan na alam niyang umuusok pa sa init. "So ano ngayon?" Tinaasan niya ako ng kilay. Napalunok ako. Nilikod ko ang kamay at pinagkukurot. "Eh, Tita hindi pa po ako nakakabayad ng tuition fee." Nagbuga siya ng hininga. Ngumisi. "Matuto ka kasing dumiskarte. Huwag ka puro asa sa kita ng p*ke ko! Tulungan mo rin ako. Hirap na nga akong pakainin ka at bayaran itong upa ng bahay." Muntik na akong mapaiyak. Anong maitutulong ko gayong wala naman akong trabaho? Sinubukan kong mag-apply sa fast food pero minanyak lang ako ng may-ari kaya hinding-hindi na ako babalik doon. Hindi ko alam kung bakit lahat na lang ng lalaking nakakasalamuha ko ay pinagnanasaan ako. "Sumama ka sa akin bukas ng gabi. Hindi ka naman sasayaw doon. Mag-serve ka lang ng mga iinumin." Gusto kong tumanggi sa alok ni Tita pero hindi ko magawa. Baka palayasin pa ako nito sa poder niya kaya saan na ako pupunta. Bumalik ako ulit sa kwarto at naglinis. Mamaya ay pipila pa ako sa kanto para umigib ng tubig. Lahat na lang ng gagalawin rito ay puro pera. Mahirap pa nga kami sa daga at kapag hindi pa ako nakapagtapos ay baka maging GRO na rin ako katulad ni Tita. Nagkaroon ako ng boyfriend pero buwan lang ay nagkahiwalay kami. Nag-aral siya sa ibang bansa pero nangako naman na babalikan niya ako. Umaasa ako kahit wala akong kasiguraduhan. Pero sa tuwing naiisip ko na mas maraming magaganda at mayayaman na babae sa Australia ay nawawalan ako ng pag-asang babalikan pa ni Lyndon. Mahal ko siya. Sa kaniya unang tumibok itong puso ko. Siya ang first love ko at kailanman ay hindi ako tumingin sa iba. May pag-asa bang magkatuluyan kami? Matagal pa ang dalawang taon. Dalawang taon ko pa siyang hihintayin. Pero habang nagpapadala pa rin siya ng mensahe sa akin ay ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kaniya. -- Kinabukasan ay binalot ako ng kaba nang isama nga ako ni Tita sa bar na pinagtatrabahuan niya. Labag sa loob ko pero wala akong karapatan na humindi sa kaniya. Dinala niya ako sa dressing room at pinagbihis ng sexy. Kahit hindi kayang tanggapin ng sikmura ko ang kinulang na telang suot ay pinikit ko na lang ang mga mata. Ngayong gabi lang ito. Hindi na ako mapipilit ni Tita na sumama ulit kahit anong gawin niya. "Glena, ang ganda pala ng pamangkin mo. Jusko Dai, kung ito ang sasayaw sa stage ay baka magsiksikan ang costumer natin." Napalunok ako nang sulyapan ako ng bading na nag-aayos sa buhok ni Tita. Ngumisi si Tita. "Walang silbi 'yan sa pag-sayaw. Parehong kaliwa ang paa." Napalunok ako. Hindi ko kayang tingnan ang suot ng Tita ko. Manipis na damit at bakat ang mga n*****s niya. Kung wala pa itong suot na t-back panty ay baka kitang-kita ang p********e niya. Pokpok na pokpok talaga ang dating. Nakakadiri sa lugar na ito. "Puwede naman siyang turuan, hello! Maganda ang hubog ng katawan. Maputi. Makinis. Napaka-inosente, pag-aagawan ito ng mga costumer." Pinasadhan rin ako ni Tita ng tingin. Nang mapansin niyang hindi na ako nagsasalita at komportable ay sinaway niya ang bading. "Tumigil ka nga, Sapphire! Hindi ko ipapamana sa pamangkin ko ang trabaho ko. Gusto ko siyang makapagtapos sa pag-aaral para maiahon ako rito. Sawa na ako sa pagiging pokpok!" Tumawa ang bading. "Suggestions ko lang naman sis." Gusto kong tumakbo palabas o kaya ay takpan ang tainga ko. Nakakadiri ang usapan nila. Ayaw kong maging pokpok katulad ni Tita. Maghahanap na lang ako ng matandang mayaman kung iyon lang ang sulusyon. "Sige na, Amy. Lumabas kana doon at mag-serve ng alak." Si bading. Tumango ako. Sumunod lang ako sa mga kasama kong bartender. Pero nang makita ko ang ginagawa ng mga kasamahan ko ay parang ayaw ko na mag-serve. Minsan ay hinahalikan ng costumer. Minsan ay hahawakan sila sa pwet at pauupuin sa kandungan. Kadiri! Ayaw ko na rito. Ayaw kong mahipuan o mahalikan. Nakalaan lang ang first kiss ko sa taong mahal ko. Hindi sa random na lalaki rito sa loob ng bar. Dumistansya ako sa mga lalaking costumer. Ang mga siniserve ko ay ang mga may kasamang babae. Pero hindi pa rin ako makaligtas sa mga mata nila kahit may mga kasamang babae. Kung tingnan nila ako ay para bang nakikita ang hubad kong katawan. "Ang ganda ah. Bagong salta?" Ngumisi ang lalaki nang ilapag ko ang wine. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nanginginig ang kamay ko. Sumagot ang kasama kong bartender. "Pamangkin ni Queen Glena." Pakilala sa akin. Nanatili akong tahimik. "Wow!" Nang mabuksan ko ang wine ay agad ko silang iniwan. "Mukhang suplada. Walang karanasan." Rinig kong salita no'ng lalaki. Maraming tao. Karamihan ay mga lalaki. May naghahalikan. May nagsasayawan. Iba't iba ang ginagawa ng bawat isa. Tumayo ako sa gilid nang lumabas si Tita, pumunta sa stage para sumayaw. Unang beses na mapapanood ko siya. Ang malaking tray na hawak ko ay tinakip ko sa maiksing palda. Kapag yumuko ako ay makikita ang pwet ko sa sobrang iksi nitong suot ko. Naghiyawan ang kalalakihan nang mag-twerk si Tita. Inakyak pa siya ng lalaki at kinapa sa s**o sabay ipit ng pera. Napapikit ako. Iniwas ko ang tingin at hindi ko na siya magawang tingnan pa. Nang lumingon ako sa kabilang direksyon ay napansin kong may nag-iisang lalaki na nakaupo sa couch. Hindi ko siya makita ng maayos dahil may nakaharang na kurtina. May dalawang bodyguard na nakatayo sa gilid. VIP set yata ang kinaroroonan niya dahil mag-isa lang ito. Iniwas ko kaagad ang mga mata at inabala ang sarili. Sigawan, hiyawan at idagdag mo pa ang lakas ng musika. Nakakabingi sa loob. Kung may kausap ka ay hindi na kayo magkakaintindihan pa. At hindi nagtagal ay may costumer na ang Tita ko. Paano na ako? Naiwan ako rito at hindi ko alam ang susunod na gagawin. Papayag kaya ang manager kung magpapaalam akong uuwi na? Muli akong nautusan na mag-serve malapit sa VIP set. Tatlong lalaki ang naroon at gaya ng inaasahan ko, nagkakahaba ang leeg nila sa akin. Inutusan pa ako ng isa sa kanila na lagyan ng alak ang baso niya. Sinunod ko iyon pero muntik na akong mapatalon nang hipuin niya ang legs ko. Binitawan ko ang wine kaya tumapon iyon sa mesa nila. Nanindig ang balahibo ko. Nandiri ako bigla. "P*tang ina miss! Hindi kaba marunong mag-service?!" Malakas na dumagundong ang dibdib ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Nang balak niya akong lapitan ay may humarang na dalawang lalaki. Ito ang mga bodyguards na nakatayo sa gilid. "Pag-usapan natin 'to ng maayos sir," salita ng isa sa bodyguard. Masama akong tiningnan no'ng lalaki at dahan-dahan na bumalik sa upuan niya. Ang isang bodyguard naman ay inaya akong pumasok sa room na natatakpan ng manipis na kurtina. Namilog ang mga mata ko sa gulat nang makita ang lalaking kanina ko pa sinusulyapan. Nakadikwatro at pinaglalaruan sa kamay ang hawak na baso. Muli akong napalunok. Nakasuot ng itim na tuxedo. Madilim ang aura pero hindi ko maipagkakaila na magandang lalaki ito kahit may edad na. Tinapik niya ang couch habang nakatingin sa akin. He invited me to sat down. Hindi ako makakilos. Isa na naman ba itong manyakis? Natatakot ako lalo dahil may bodyguards siya. Mukhang makapangyarihan itong tao. Binulungan ako ng bodyguard. "Huwag kang matakot. Mabuting tao si Boss." Muli akong napalunok sabay baling sa bodyguard. Tumango siya sa akin. "Sige na, maupo kana." Para akong madadapa habang dahan-dahan na papalapit sa lalaki. Nakasunod ang mga mata niya sa akin. May kaunting balbas sa panga pero bagay na bagay iyon sa kaniya. Kahit hindi ko nakikita ang hubad niyang katawan ay alam kong maskulado siya at maganda ang ang katawan. "Hi." His deep voice made me shiver. Hindi ako makasagot at nanatiling nakatayo. Muli niyang tinapik ang couch. "Sit down." He invited me again. Umupo ako. Mariin kong pinagsiklop ang mga hita at pinipilit na ibaba ang suot kong palda. Napansin niya iyon. Nag-iwas ako ng tingin dahil nahiya ako sa kaniya. Inabot niya ang coat na nakapatong sa gilid niya at binigay sa akin. "Cover your legs if you are not comfortable." I bite my lower lip. Hindi na ako nagdalawang isip na abutin ang coat niya at pinatong sa nakikita kong mga hita. "I guess, you're not working here? It's your first time?" Nag-init ang pisngi ko. Hindi ko siya magawang tingnan. Nakakahiya ako. "Y-yes po s-sir," nanginginig ang boses ko nang sumagot sa kaniya. He chuckled. "Don't be afraid of me. I'm not a bad guy." Tiningnan ko siya. Inalok niya ako ng maiinom pero agad akong tumanggi. "What's your name?" I licked my lower lip. "Amy, s-sir," nauutal na sagot ko. "Tell me? Why are you here?" Napalunok ako ulit. Tumingin ako sa paligid pero walang nakatingin sa amin. Natatabunan pa kami ng manipis na kurtina. Sasabihin ko ba kung bakit ako narito? Nakakatakot ito kapag siya ang nagbanta sa akin. Mukhang wala akong laban sa kaniya lalo na at may mga guwardiya. I composed myself. "Unang beses ko po. Partime job." "Are you studying?" Tumango ako. Binaba niya ang baso at binigay sa akin ang atensyon. "Which university?" "Salcefuedez University po, sir." "Are you paying your studies?" Muli akong tumango. Para akong nasa interview dahil straight forward siya kung magtanong. "Don't get me wrong. Do you want to be a dancer?" Agad akong umiling at tinaas ang kamay sa kaniya. "Hindi po! Hindi po!" He smiled. I saw his perfect set of teeth. Ang bango ng hininga niya. "I have a offer." Napatingin ako sa kaniya ng deretso. Bibigyan ba niya ako ng trabaho. Anong klasing trabaho? "Ano po iyon, sir?" "Be my woman." Nanuyo ang lalamunan ko. Nanlamig ako mula sa alok niya. Muli siyang ngumiti sa akin. "I'm not forcing you. Because forcing a woman is not a glass of my wine." He stared at me. "Think about it. I will help you, Amy." He added. Muli akong napalunok. Nawalan ako ng sasabihin. May dinukot siya sa bulsa at inabot sa akin. Nakita kong calling card at address. "Call me or come to my place if you already make a decision. I'm always waiting." Nilagay niya iyon sa kamay ko. Naramdaman ko ang mainit niyang palad. Kay labot ng kamay niya. Mahahaba ang mga daliri at malinis na malinis. Tinawag niya ang isa sa bodyguard. "Rambo! Escort her outside and get her a taxi." "Yes, boss!" Nilingon ko siya bago ako tumayo. Tumayo rin siya at napatingala na ako sa kaniya. Ang tangkad niya. Malaki rin ang katawan. Inabot ko ang coat sa kaniya pero imbes na tanggapin ay pinasuot niya sa akin. "Keep it with you, Amy. Nice meeting you." "S-salamat po." Lumabas ako mula sa bar na siya ang laman ng isip ko. Ps: Enjoy reading po. don't forget to leave a comment please. hehehe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD