Amy Hindi mawala sa isipan ko si Arch simula nang makita ko siya sa labas ng villa namin kanina. Anong ginagawa niya rito sa Palawan? Sinusundan ba niya ako upang gawaan ng masama? Natatakot na ako sa nangyayari araw araw. Bukod kay Kerra ay siya ang pangalawang may alam ng mga sekreto ko. Alam niyang may kasama akong lalaki at puwede niya itong gamitin laban sa akin upang makaganti. Puwede niyang sabihin kay Tita na may lalaki ako. Ngayon ay napatunayan niyang wala akong pinagkaiba sa tiyahin ko. Na pareho kaming bayarang babae. Sasabihin ko ba ito kay Lennon? Ipagtatapat ko ba ang tungkol kay Arch. Na boyfriend siya ng Tita ko. Na muntik na niya akong gahasain noon. Naguguluhan ako at hindi makapag isip ng matino. Narito nga kami sa Palawan upang takasan ang mga problema sa

