Amy Dumagdag sa iniisip ko ang nangyari sa mansyon ni Lennon. Nakuwento niya sa akin na may nagtangka raw na sunugin ito. Nakakapagtaka dahil ni minsan naman raw ay wala siyang nakaaway sa negosyo. Minsan ay nagdududa ako kay Arch pero hindi ko kayang sabihin kay Lennon. Kaya lang kapag pinagpatuloy kung ilihim sa kaniya ang tungkol sa pagsunod sa amin ni Arch sa Palawan ay para na rin akong nagtataksil sa kaniya. Hahanap ako ng tamang araw at disidido na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa ginawa sa akin ni Arch noon at ang pagsunod niya sa amin sa Palawan. "Hoy, Amy! Bilisan mo na nga diyan magsampay! Kanina kapa tunganga diyan eh ilang piraso lang 'yang nilabhan mo! Mainit ang araw hindi mo ba nararamdaman sa balat mo?" Napaigtad ako nang marinig ang sigaw ni Tita. Tiningala

