3rd POV] Madaling araw na ng mag-out sa trabaho si Glena nang harangin siya ni Arch. Lasing ang lalaki nang i-corner si Glena sa sulok. Nag init ang ulo ni Glena nang makita ang lalaking kinaiinisan. Simula ng makipaghiwalay siya rito ay hindi na ito pumunta sa kaniya o nagpakita. Pero ngayon ay may gana siyang haharaharangan sa pasilyo ng bar. "Glena, sandali lang!" Hinawakan siya ni Arch sa magkabilang pulsuhan. Agad na tinaasan ni Glena ng noo si Arch. "Anong kailangan mo? Hindi ba sabi ko ay huwag ka ng magpapakita sa akin!" mariin niyang wika. Tumikhim si Arch. Amoy na amoy sa kaniyang bibig ang magkahalong sigarilyo at alak. "Patawarin mo na ako, pangakong hindi ko na lalapitan si Amy. Hinding hindi na mangyayari iyon, Glena. Alam mo namang mahal kita." Malakas siyang tin

