Amy
I keep biting my lower lip every time I remembered our intimate moments in the pool. Namumula ang pisngi ko nang walang dahilan. Sa dalawang araw na nilagi ko sa bahay niya ay naramdaman ko kung paano alagaan. Kasi simula nang mamulat ako sa mundong ito ay walang nag-aruga sa akin. Ang tita ko lang ang kasa-kasama ko sa loob ng dalawang dekada.
She raised me alone by herself. Patay na raw ang mama ko pagkapanganak sa akin. Kaya naman kahit ganoon kasama ang ugali ni Tita sa akin ay nagpapasalamat pa rin akong binuhay niya ako. Na binigyan niya ako ng pagkakataon upang makamulatan ang mundo kahit na naging malupit ang kapalaran sa amin.
Pero sa pag-aalaga sa akin ni Lennon ay para akong nagkaroon ng magulang. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may taong nagmamahal sa iyo at nag-aaruga. Masuwerte siguro ang anak niyang lalaki. Bukod sa maalaga ang papa niya ay sobrang bait pa.
Sa highway ako binaba nila Rambo. Nagpasalamat ako sa kanila at hinintay na makaalis ang kanilang sasakyan.
Mamimili ako ng pagkain namin ni Tita para naman matuwa siya sa akin. Dumaan ako sa palengke at namili ng fresh na gulay, esda at tinapay. Bigat ba bigat ako sa bitbit habang tinatawid ang makitid na daanan pauwi sa bahay amin.
Naghahabulan ang mga batang naglalaro sa kalsada. May nag-iinuman rin sa tindahan na siyang kinaiinisan ko.
"Oy, Amy. Tulungan kita." Ngumisi sa akin si Lando nang makita niya akong may bitbit. Siya ang pamangkin ni Aling Manet na siyang kinaiinisan ko dito. Piling guwapo pero bagok naman ang mukha. Napakasaksakan pa ng yabang dito sa compound namin.
Inirapan ko siya. "Salamat na lang, Lando. Hindi ako lumpo."
"Suplada ka talaga, Amy. Maganda ka pa naman sana."
Umirap ako sa hangin at nagmadaling maglakad. Wala akong mapapala sa pakikipag-usap sa mga tambay na ito. Mga walang pangarap sa buhay at puro pagpapalaki lang ng balls ang kanilang ginagawa.
Binuksan ko ang pintuan namin. Nanlalaki ang mga mata ko nang may lumabas na lalaki sa kwarto ni Tita. Walang pang-itaas. Pawisan ang katawan at nagpupunas pa sa leeg gamit ang t-shirt niya.
Napatda ako at hindi makakilos. Gulat rin itong nakatingin sa akin.
"Bert, sandali lang!" Rinig kong pigil ni Tita sa lalaki. Lumabas rin ito mula sa kuwarto.
Napatalikod ako nang makitang hubad si Tita. Gulat rin na tinakpan ng mga kamay ang maselang parte ng kaniyang katawan.
"A-amy, d-dumating kana pala."
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa harap ng pintuan namin. Muling pumasok sa loob ng kuwarto ang dalawa kaya doon pa ako nakakilos. Tumakbo ako sa loob ng maliit naming kusina at binagsak sa mesa ang mga pinamili ko.
Dumaloy ang luha ko sa mga mata. Ito ang unang beses na nagdala ng lalaki si Tita rito sa bahay. Ano bang nangyayari sa kaniya? Ibang iba siya ngayon. Pinaglalandakan na talaga ang title niyang pokpok.
Pinahid ko ang luha at inayos ang mga pinamili. Masakit ang dibdib ko. Lalo na at nahuli ko pa siyang hubad na lumabas. Bwesit! Wala na bang natitirang hiya sa katawan.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gulay ay umupo ako at tinungkod ang mga siko sa mesa. Pero muli akong napapikit nang marinig ang malakas na daing ni Tita.
"Uhm. Bert! Sige pa! Ibaon mo pa! Ah!"
Naiskandalo ang tainga ko. Tinakpan ko iyon at pumikit. Nang palakas nang palakas ang mga ungol nila ay tumakbo ako sa gilid at doon umupo. Nakipagsiping din naman ako kaya hindi ko siya mahuhusgahan. Pero alam niyang narito na ako. Walang hiya pa siyang nakikipagsiping sa lalaki niya.
Hindi na rin ako malinis na babae kaya ako naiiyak ngayon. Pakiramdam ko ay baka magaya ako sa Tita ko isang araw kapag nagkamali ako ng daan. Nang wala na akong naririnig na ingay nila ay tumayo ako. Naghilamos at nagpa-init ng kape. I act like nothing happened.
Lumabas silang dalawa. Hinatid pa siya ni Tita sa pinto at pinabaunan ng halik. Ang pangit naman ng lalaki. Mataba at mabilog ang tiyan. At kung may pera ito ay hindi na dito sisipingan ang tita ko. Baka dinala na sa mga mamahaling hotel.
"Amy, pasensya kana. Hindi ko alam na darating ka ng maaga. Hindi na mauulit iyon. Break na rin kami."
Napaawang ang labi ko. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang mga pinamili ko.
"Wow! Mukhang galante ang amo mo girl? Mayaman ba?"
Sinulyapan ko siya. "Sakto lang po."
"May anak ba? Magkano ang sweldo mo sa kanila sa loob ng dalawang araw?"
Tumikhim ako. Kapag sinabi ko kung gaano kalaki ang perang binigay sa akin ni Lennon kaninang pag-alis ko ay baka magtaka itong mukhang pera kong tiyahin.
"Limang daan po, Tita."
Ngumisi siya. "Malaki laki na rin iyon noh. Ang hirap ng buhay ngayon. Sobra sobra na iyon para sa dalawang araw. Mabait yata ang amo mo?"
I think she was questioning or digging some information? Tumahimik ako at nagdahilan.
"Magluluto na po ako, Tita. Mabilis lang ito." Iwas ko.
Hindi niya ako muling kinausap. Bumalik ito sa sala at nagselpon. Pagkatapos kong magluto ay pinaghain ko siya. Nang maligpit ko ang kusina ay agad akong nagpahinga. May pasok pa ako bukas kaya kailangan ko na magpahinga ng maaga. Ilang buwan lang naman ay bakasyon na.
***
"Amy! Amy!"
Nakangiti si Mitch nang papalapit ako sa kanila. Sila ni Aida ang tangi ko lang na kaibigan rito sa campus. Mabait sila sa akin. Wala kasi silang alam sa buhay ko dahil hindi ako masyadong nagkukuwento. Baka malaman nila ang trabaho ni Tita at kutyain rin nila ako. Ito ang palagi kong kinakatakot rito, ang malaman ang trabaho ng tiyahin ko.
Tiningnan ni Aida ang suot kong pang-itaas. Nakaawang ang labi niya at titig na titig roon.
"Wow! Moschino! Ang ganda ganda ng damit mo girl. Magkano bili mo diyan?"
Hindi ko alam na mahilig rin pala sila sa brand na damit. Kasama ito sa binili sa akin ni Lennon noong isang araw.
Nahihiya akong ngumiti. "Binili ng Tita ko," sagot ko.
"Hulaan ko, maganda ang trabaho ng Tita mo ano? Bakit kapa naghahanap ng partime kung afford naman ng Tita mo ang bayarin mo at luho?" Si Mitch.
Nagsalubong din ang mga kilay ni Aida. "Oo nga. Nagpapakahirap kapa, Amy."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Hindi kami mayaman kaya kailangan ko rin maghanap ng pagkakakitaan. Kung maari ay ayaw kong umaasa."
Tumango sila. "Kung sabagay. Ang sipag sipag mo nga, Amy."
Nginitian ko lang sila at inaya sa loob. Sa daan ay palinga linga ako. Alam ko ng pag-aari ni Lennon itong university pero kinakabahan akong magkita kami rito. Hindi naman siguro siya pumupunta rito. Dahil kung narito siya palagi ay makikita ko noon pa man. Magtatlong taon na ako ritong nag-aaral at never nag-cross ang mga landas namin.
Ang huli naming professor ay inutusan akong ihatid ang mga papers sa opisina ng director. Teka? Sino ba ang chairman nitong university? Alam kong si Lennon Salcefuedez ang may-ari pero hindi ko alam kung siya rin ang nagpapalakad nitong university.
Binuhat ko ang mga papers at dinala sa opisina ni Ma'am Colly. Isang beses akong kumatok nang nasa tapat na ako ng pinto.
"Come in." Rinig ko ang malamyos niyang boses. Mabait ito sa akin dahil palagi kaming nagkikita sa labas ng university.
"Good afternoon, Ma'am." Nalusaw ang ngiti ko nang hindi siya nag-iisa sa loob ng opisina.
Magkasunod sunod akong lumunok. Nasa loob si Lennon at may isa pang lalaki. Nanalangin akong sana ay bumuka ang lupa at kainin ako. Bakit dito pa kami magkikita? Pinapabilis niya naman ang t***k ng puso ko kahit hindi siya nakatingin sa akin.
Ngumiti si ma'am Colly. "Amy, he is the owner of this university, sir Lennon Salcefuedez. And sir, Anton Perez, ang secretary ng paaralan."
Kahit hindi ko alam kung paano siya babatiin ay pinilit ko ang sarili. Yumuko ako at binati sila. Ang suot ni Lennon ngayon ay makinang na makinang. He look so expensive. Malinis na malinis siyang tingnan at kahit hindi ko siya naamoy ay pakiramdam kong kay bango bango niya.
"Amy, can you arrange it inside the shield. Pakitulungan na rin akong i-pile ang mga folders na 'yan, anak." Nginuso niya sa akin ang mga nagkalat na folder sa itaas ng mesa.
Muntik na akong pumikit. Magmamadali sana akong i-pile ang mga papers at tatakbo na ako palabas pero nakisuyo pa siya ng iba pang trabaho. Lord, kunin mo na ako. Hindi ko kakayanin ngayon na nasa iisang kuwarto kami ni Lennon. Nahihiya ako kahit wala naman alam ang mga kasama namin sa kung anong mayroon kami.
Nagsimula akong kumilos. Nagsalita si Lennon kaya muli akong napalunok. May pinag-uusapan sila na hindi ko maintindihan.
"We should add another building, what do you think sir Salcefuedez?"
Sinulyapan ko sila. Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Sa akin pala nakatingin.
"Yes, I should do that earlier," sagot niya.
Gusto ko siyang sulyapan ulit pero natatakot akong magtama ulit ang mga mata namin.
Muling nagsalita si ma'am Colly.
"I will show you the documents."
"Alright," sagot ni Lennon.
"Amy?"
Napatingin ako sa kanila nang tawagin ako ni ma'am Colly. Ngumiti sa akin.
"Can you pass me that red envelope, anak."
Muli akong napalunok. Nahihiya akong tumango. Nanginig pa ang kamay ko nang damputin ang red envelope upang dalhin sa kaniya.
Naglakad ako palapit sa kanila. Nagwawala na ang puso ko sa loob sa sobrang bilis ng t***k nito. Ano ba, Amylou! Si Lennon lang iyan. Ang Lennon na savior mo at mabait sa'yo.
Inabot ko kay Lennon dahil tinuro siya ni ma'am Colly na sa kaniya ko ibigay. Kumiskis ang kamay ko sa kamay niya. Para akong nakuryente. Nag-init ang pisngi ko.
"Thanks!" Tipid niyang pasalamat. Hindi nakatingin sa akin.
Gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin nang magpasalamat. Dahil kung sa akin nakatingin ay baka mahalata nilang nenenerbiyos ako.
Bumalik ako sa ginagawa. Binilisan ko ang trabaho.
"Kailangan natin mag-add ng computers at mas palakihin ang spasyo ng library, sir. Marami na rin ang mga students na pumapasok rito." Rinig ko ulit na salita ni Ma'am Colly.
Nang matapos ako ay nagpaalam ako kay ma'am pero agad na naman may pinakiusap.
"I'm sorry, anak. Puwede bang pakisamahan mo si Sir Salcefuedez kung saan ang ballroom."
I frozed! Bakit ako? Siya nga itong nilalayuan ko pero ako pa itong sasama sa kaniya. Kumalabog ang dibdib ko. Hindi na ako makapagsalita at tanging tango na lang ang nasasagot ko kay ma'am.
Kinamayan ni Lennon si ma'am Colly. Ganoon rin ang ginawa kay sir Anton. Ang bait niya talaga.
"This way sir," ani ko. Muntik na akong mautal. Naglakad siya palabas. Sumunod ako sa kaniya. Kinakabahan ako. Sana ay wala kaming makasalubong.
"Sumabay ka sa akin, Amy. Huwag ka sa likuran ko."
Nagbara na ang lalamunan ko. Kanina ko pa pinapanalangin na huwag niya ako kausapin. Sariwang sariwa pa sa alaala ko ang mga ginawa namin sa loob ng dalawang araw na magkasama kami.
Huminto siya sa paglalakad nang hindi ako sumunod.
"I thought, you're very obedient my girl. Come here."
Hinawakan niya ako sa kamay at pinapantay ako sa kaniya. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may nakakita. Napahinga ako ng maluwang nang walang isa mang student ang nasa paligid.
"Sir, nasa paaralan po tayo." Binawi ko ang kamay.
Ngumiti siya sa akin pero iniwas ko ang mga mata.
"I'm sorry."
Napatingin ako sa kaniya. Bigla akong naawa sa naging reaksyon ng kaniyang mukha. Para siyang nakagawa ng malaking kasalanan sa akin at seryoso itong humingi ng tawad.
Napilitan akong ngumiti. "Wala iyon sir. Halika na." Aya ko.
"Hindi kana galit?" Mahina niyang salita. Magkasabay na kaming naglalakad.
"Wala naman akong dapat ikagalit."
"Totoo?"
Sinulyapan ko siya at tumango ako.
"Oo naman. Wala ka namang ginawa sa akin na mali."
"I'm very happy to hear that, baby girl."
Nakiliti ang tiyan ko at parang may mga kulisap na nagwawala sa loob. Palagi akong pinapamulahan ng mukha sa tuwing tinatawag niya akong baby girl niya.
Kinagat ko ang ibabang labi at tinago ang ngiti.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Sinulyapan ko siya. Nakangiti rin ito pero hindi nakatingin sa akin.
"Masaya ka?" tanong ko.
Lumapad ang ngiti niya.
"Kung puwede ko lang i-rewin ang edad ko. Sana collage student rin ako ngayon. Ang hirap kiligin kapag may edad na."
I swear. Gusto kong humalakhak dahil sa sinabi niya. Ang sarap niyang kasama. Pinapakaba niya ako pagkatapos ay pinapatawa. Naluha ako sa kapipigil ng tawa ko.
"Hindi ka naman matanda ah."
Nilingon niya ako at ngumisi. "I'm trying to look younger."
"You look younger," ani ko.
"Talaga?"
"Hmm." Sabay tango ko.
"Then, I can't wait to see you on Saturday. I miss you my gorgeous."
I bit my lips again and smiled.