Napamulat si Oceana ng mga mata nang maramdaman niyang may humalik sa mga labi niya. "How dare you!" Napatigalgal si Miguel at napatingin sa kaniya nang sinampal niya ito. "W-why did you do that?" gulat nitong tanong sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig kay Miguel at kumuyom ang kamay niya na nakahawak sa kumot. "Talagang tinatanong mo pa ako kung bakit ko ginawa iyon, ha! Kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko, gugustuhin mo ba iyon!" galit niyang sigaw sa lalaki. He smirked at her. "Oo, kung ikaw lang naman ang hahalik sa akin ay mas pabor sa akin iyon. Kung gusto mo ay pagsawaan mo pa ang labi ko. Magpauubaya ako. Kung puwede pa nga pati katawan ko—" "Ang bastos ng bibig mo!" Nanggagalaiting binato niya ito ng unan. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Kun

