Chapter 1 - Discipline Office
“Hoy Criselda!” umalingawngaw ang napakalakas ko na sigaw sa quadrangle ng campus namin. Nilingon naman agad ako ni Criselda at kasabay non ay ang pagtaas ng kilay niya.
Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay kaya naman mas lalo akong nainis. “Huwag mo akong taasan ng kilay! Gagalbutin ko ‘yan!” banta ko sa kanya.
“Sige nga! Gawin mo nga!” nanunuya ang tono ng pananalita niya. Mukhang hindi pa siya naniniwala na kaya kong gawin ang sinabi ko.
Nagalburoto naman agad ang dugo ko dahil doon. Walang pagdadalawang isip ko siyang sinugod, umalingawngaw ang tili niya sa quadrangle ng eskwelahan namin habang pilit na tumatakbo papalayo sa'kin.
Pero sorry siya, mabilis akong tumakbo. I am a very athletic person, I used to participate in every running activity when I was in middle school. And duh! Of course, I am always the winner! Walang makakatalo sa akin 'no?
“Potangina mo!” naiinis ko na mura nang mahabol ko siya, hinablot ko ang mahaba niyang buhok sabay malakas na sinabunotan siya.
Pilit siyang nanlalaban at kumakawala sa akin pero hindi niya ako kaya. Mas lalo akong nainis, kinakalmot na niya ang kamay ko kaya mas lalo kong nilakasan ang pagkakasabunot ko sa kanya. Sinisigurado ko na masasaktan talaga siya, pumalahaw siya ng iyak habang pilit niyang kinakalmot paalis ang dalawang kamay ko sa buhok niya.
“Tangina mo ha! Wala ka naman pala!” nanggigil ko na sabi sa kaniya sabay sabunot ulit.
“Tama na!” hiyaw niya.
“Anong tama na? Ang tapang-tapang mo kanina tapos ngayon wala ka naman pala!”
Rinig ko ang hiyawan ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin, mayroong nanunukso, may nagtitilian, may tumatawa at mayroon pang nagpupustahan kung sino ang mananalo sa aming dalawa ni Cresilda.
Kitang kita ko sa gilid ng mata ko na papunta na ang dalawang kaibigan ko na lalaki para siguro pigilan na ako kaya sinulit ko na ang mga ilang segundo na hindi pa sila nakalapit sa akin sa pagsasabunot sa tanginang Criselda na ito.
Rinig ko na sinisigaw ng isang pamilyar na boses ang pangalan ko at napagtanto ko na boses iyon ni Piper, isa ko pang kaibigan.
“Whooo! Go! Lampasuhin mo iyang punyetang iyan!” sigaw niya.
Pinapakinggan ko ng mabuti ang panunulsol sa akin ng kaibigan ko habang sinasabunutan si Criselda ng may biglang humawak na sa magkabilang braso ko. Ang dalawang kong kaibigan na lalake. Si Anton at Brandon.
“Tangina niyo Brandon at Anton! Wag niyong pigilan ‘yan!” nangangalahating sigaw muli ni Piper ng nakalapit na sa akin ang dalawa.
“Tangina mo rin Piper! Wag mo ngang sulsulan itong si Ivette!” naiinis na sigaw pabalik ni Anton.
“Ivette, stop it!” suway ni Brandon sa akin sabay pilit akong hinihila papalayo kay Criselda na umiiyak na at mayroon pang uhog na tumutulo sa kanyang ilong.
Ngumiwi ako dahil sa nandidiri ako pero hindi iyon sapat na dahilan para tumigil ako. Mas hinigpitan ko pa rin ang pagkakahawak ko sa kaniyang buhok. Kulang pa itong ginagawa ko sa kanya sa ginawa niya sa akin.
“Ivette!” nanlulumong tawag sa akin ni Anton ng naialis niya ang isa kong kamay sa buhok ni Criselda ngunit may sumama ng napakaraming buhok.
“Jusko Ivette! Tama na! Sabihin mo lang kung gusto mo maging hairstylist tutulungan kita, ‘wag mo lang kalbuhin itong si Criselda!”
“Stop it!” Umalingawngaw ang isang familiar na baritonadong sigaw na siyang ikinatigil ko.
Dahan-dahan akong lumingon para tingnan at kumpirmahin kung sino ang sumigaw. Nanlaki ang dalawang mata ko ng makita ko na si Professor West ang sumigaw. Napaayos ako ng tayo, I immediately tucked the strands of my hair sa likod ng aking tainga habang siya ay papunta sa akin.
Halos tumulo ang laway ko dahil sa kaniya. I watch him walk while my red plump lips are parted because of the sight of him. A tall, broad, sexy teacher that is coming up to you with a stern look on his face, sino ba naman ang hindi maglalaway diba?
Nawala ang kaninang nagkukumpulan na mga estudyante ng dumating si Sir. Ang iba ay umakto na para bang wala silang nakita, na kakarating lang nila pero mayroon pa rin talagang mga nakikiusisa.
“What is happening here, Miss Parker?” dumadagundong na parang kidlat ang malalim niyang boses sa aking tenga.
Napalunok ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang tanong. Naka-focus lang ako sa mukha niya, sa gwapo niyang mukha. I feel so speechless, pakiramdam ko ay kaharap ko ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo.
Sobrang gwapo niya talaga! Dumadagdag pa sa appeal niya ang tindig, ayos, at sa aura na nakapalibot sa kanya. Mukha siyang bida na prinsipe sa mga fantasy na movies na na mapapanood mo.
He can be called a prince but a scary and strict prince.
Gwapo sana siya kaso his scary look and aura especially his strictness is a major turn-off.
Pakiramdam ko ay mahihimatay ako ngayon, he really is a sight to behold. Bumalik lang ako sa tamang pag iisip ng biglaan akong malakas na siniko ni Anton.
“Aray!” naiinis ko na sabi habang binibigyan ng isang masamang tingin si Anton.
“Ikaw pa talaga naiinis ha! Kanina ka pa tinatawag ni Sir. West pero ikaw! Nakanganga ka lang, mamaya ka na mag daydream!” naiinis niyang bulong sa akin.
Lumunok akong muli bago tiningnan muli si Sir West, tinaasan niya ako ng kilay at halos malaglag na ang panty na sinusuot ko.
“Miss Parker?” pagtawag niyang muli sa akin.
“E-Eh… eh… K-Kasi Sir eh…” Parang nakalimutan ko na kung paano magsalita kapag kaharap ko siya.
“Kasi what?” mas lalong tumaas ang kilay niya, pakiramdam ko ay duduguin ako ng walang sa oras.
Hindi na ako makapagsalita ng tuluyan, tinitingnan ko nalang talaga siya. Nararamdaman ko ang tingin nina Brandon at Anton sa akin, mukhang hinihintay din nila na kumibo ako pero hindi ako makapagsalita sa harap niya.
Nagtama ang tingin namin ni Sir West at halos mawalan na ako ng malay. Nararamdaman niya siguro na tinitingnan ko siya. I blushed immediately with a thought na nahuli niya akong tinitingnan siya.
He cleared his throat. “Miss. Parker, meet me at the discipline office once Miss. Cruz is done talking to me. Ipapa Sundo kita,” He said with full of authority at wala ako sa sariling napasabi nalang ng ‘oo.’
Nang tuluyan na siyang makaalis ay malakas ako na sinabunutan ni Piper. “Ayos ka lang ba, Ivette? Kinakausap ka ni Sir West pero anong ginawa mo? Nakanganga ka lang na parang tanga.”
“Alam niyo naman na may pagkabaliw iyong kaibigan niyo,” narinig ko na sabi ni Anton kaya naman mabilis at malakas ko na hinampas ang braso niya. Narinig ko naman agad ang mga malulutong niya na daing.
“Ang brutal mo talaga kahit kailan, Ivette. Kailan ka pa ba magbabago?” he said in a disappointed tone kaya naman hinampas ko muli ang braso niya.
“Gusto mo gawin ko sa'yo ginawa ko kay Cresilda?” naiinis ko na sabi sa kanya at umakmang hahampasin siyang muli pero kumaripas na siya ng takbo papunta sa likod ni Brandon na masama ang tingin sa akin.
Sinuklian ko naman agad ang masamang tingin na pinupukol sa akin ni Brandon ng isang ismid.
“Bumalik na nga lang tayo classroom!” halatang naiinis na si Anton. “Eto naman kasi si Ivette eh! Aalis na dapat tayo! Dapat nasa Jollibee na tayo o ‘di kaya ay McDonalds.”
“Wala naman tayong choice kundi pumasok. Susunduin iyang si Ivette para papuntahin sa D.O! Kapag wala siya doon, paniguradong malalagot siya at madadamay tayo. Diba Brandon?” pasimple na nilingon ni Piper si Brandon na kanina pa hindi umimik at tumi tiim ang bagang.
Nagtitigan kaming dalawa ni Brandon kaya naman inirapan ko siya. Mas lalong dumilim ang mukha niya dahil doon.
“Si Ivette lang naman ang susunduin, hindi tayo kaya iwan nalang natin ‘yan!” suhestiyon ni Anton kaya naman umangal agad ako.
Hindi ako papayag na maiiwan ako dito. “No left behind, remember?” umiirap ko na bigkas.
Napakamot naman agad si Anton sa kanyang batok at walang choice kundi umu-oo nalang. Nagsimula silang lumakad ni Piper. Nakahalukipkip ko na nilingon si Brandon na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.
“Hey, come on. Let’s go,” walang gana ko na sabi sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
“What’s your problem?” naiinis ko na tanong sa kanya kung kaya’t mas lalong tumiim ang kanyang bagang.
I sighed when still didn’t answer me. “Let’s go, Brandon. Let’s not waste our time standing here looking like a fool.”
‘Pagkatapos ko sabihin iyon ay nagsimula na akong maglakad pero napansin ko na hindi siya sumunod sa akin. Padabog ko na nilingon siya at lumakad palapit ulit sa kanya.
“Umayos ka nga, Brandon. Let’s go,” nararamdaman ko na ang inis na unti unting namumuo sa aking dibdib.
“I don’t like the way you looked at him,” he uttered with a cold voice while his jaw kept on clenching.
Tumaas ang kilay ko. “Who?”
“Professor West.” tipid niyang sagot sa aking tipid na tanong.
“Guni guni mo lang ‘yon,” I tried to assure him but I saw kung paano umalab ang galit sa kanyang mga mata.
“Brandon,” malambing ko na tawag sa kanya and for a moment, I thought I saw his face softened.
“Wag ka ng magalit sa akin oh,” nilagay ko ang maliit ko na kamay sa kanyang naglalakihang na braso.
Nilapit ko ang sarili ko sa kanya and tiptoed so that I can reach his ear.
“Ikaw lang ang gusto ko.” I whispered seductively in his ear and I heard him grunt which sparks mischief in me.
Hindi niya ako sinagot, iniwas niya lang ang tingin niya sa akin kaya naman sinusumpong nanaman ako ulit ng kapilyahan ko dahil sa ginawa niyang reaksyon sa akin.
Napailing iling habang mayroong pilyang ngiti sa aking mga labi. “Brandon Arciaga getting tongue tied? Wow! That’s news to me.”
Pinadaan ko ang kamay ko sa tiyan niya at patungo sa kanyang dibdib. I simply clutched his black necktie and started to twirl it using my fingers.
“Don’t tease me, Ivette. I might not stop myself and forget that we are currently standing in the center of the quadrangle.” He said in a hoarse voice while still trying to look away.
Tumawa ako ng mahina. “Then let’s go, darling.”
‘Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. I squeezed his crotch at dali daling kumaripas ng takbo papalayo sa kanya.
“Ivette!” nangangalating sigaw niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo habang humahalakhak ng todo.
Baka pag nagtagal pa ako doon ay may kung anong kababalaghan pa kaming gawin sa gitna ng quadrangle. At baka hinahanap na kami nina Piper and I’m sure that Sir West is done talking to Criselda.
“Hoy! Saan kayo galing?” naiinis na tanong sa amin ni Anton ng makabalik kaming dalawa ni Brandon sa sariling classroom namin.
Pagod na pagod ako sa pagtakbo dahil hindi nagpatalo si Brandon sa pagtakbo ko. Hinabol din niya ako.
“Vacant naman pala ngayon, sana tumakas nalang tayo eh.” Singit ng kaibigan ko na si Piper na ngayon ay may nginunguya na bubblegum.
“Bakit? Ano meron?” naguguluhan ko na tanong.
“May faculty meeting,” sagot ni Brandon while giving me look that says ‘Lagot ka mamaya sa akin.’
“Alam mo naman pala, Brandon! Bakit hindi mo sinabi sa amin agad? Ede sana hindi na lang ako pumasok ngayong araw.”
Binatukan naman agad ni Piper si Anton. “Kahit talaga kailan, tamad ka Anton. 1 and a half hour lang ang klase natin tapos tinatamad kapa.”
“Aba! Nahiya naman ako sayo!” hirit ni Anton.
“Saan ba kayo nanggaling dalawa ha?” baling na tanong sa amin ni Anton. Hindi naman siya sinagot ni Brandon dahil tahimik lang itong umupo sa isang silya.
“Nag Jack en poy,” biro ko sa kanilang dalawa.
Naramdaman ko naman na tiningnan ako ni Brandon dahil sa ginawa ko na biro. I can feel that he is feeling frustrated today.
“OMG! Nakakadiri kayong dalawa, dito pa talaga kayo nagpalaganap ng karumihan niyo?” umismid sa amin si Piper.
Humalakhak naman ako, napunta ang tingin ko sa pintuan. Kumatok ang Vice President ng school council at sinensyahan ako. Ngumuso ako at padabog na tumayo, kakadating ko pa nga lang aalis na naman ako.
“O’siya! Tawag na ako ng hukom,” paalam ko sa tatlo.
“Good luck tol! Alam mo naman na si West na ‘yan terror ‘yan! Gigisahin ka niya na parang bawang kaya ipagdarasal kita!” sabi ni Anton at umirap naman ako.
“Nako, ingat ka Ivette baka mag jack en poy din kayo…” Nanunuksong sabi ni Piper sabay halakhak.
Naiinis na kinalampag ni Brandon gamit ang kanyang paa ang inupuan ni Piper kaya nag halakhakan si Piper at Anton at may apir pa silang nalalaman. Hindi ko na sila pinapansin at lumakad na lang palabas at sumabay sa paglalakad ni Vice Pres.
Nakadating kami sa discipline office at kinabahan naman ako.
Makakaharap ko na naman ulit si Sir. West eh! Siya ang professor namin sa Biology, itinuturing na heartthrob and at the same time terror teacher. Sikat si Sir. West sa mga kababaihan dito pero walang pakialam sa kanila si Sir.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon bago tinulak para makapasok ako, naramdaman ko ang lamig na nilalabas ng aircon. Napasinghap naman ako, nilibot ko ang tingin ko. Nasipat ng mata ko si Sir na mukhang hindi naramdaman ang pagdating ko.
Ang kamay niya ay nasa kaniyang temple, mukhang malalim ang iniisip niya habang ini-ispin niya ang hawak-hawak niyang ballpen.
Lumunok ako and cleared my throat to announce my presence to him, nang marinig niya ang tikhim ko ay umangat ang kaniyang tingin. Walang gana niya akong tiningnan at iminuwestra ang upuan sa harap niya.
“Good afternoon po, Sir.” Kinakabahan kong bungad sa kanya nang makalapit na ako sa upuan, tinanguan niya ako at ako ay umupo.
“Miss. Parker, wala nang paligoy-ligoy ito. Can you please tell me the side of your story?” Umayos siya ng upo at inayos niya ang pako ng kanyang putting polo, napalunok ako. “Bakit kayo nagkagulo ni Criselda?” He asked.
“Uhm…”
“Go on, take your time.” Humalukipkip siya.
Huminga ako ng malalim and raised my before answering his questions. “Cresilda was the one who started it all. Hindi ko siya pinapakealaman and yet she still keeps on spreading rumors that are full of lies.”
Napairap ako sa sobrang inis. Naalala ko na naman ang pagmumukha ng babaeng iyon.
“Tell me more,” pinagsiklop niya ang kanyang kamay.
“Masyado siyang insecure sa akin kaya niya ako inaaway. Pinagkalat niya sa buong campus na buntis daw ako at ang ama ng anak ko ay ang janitor ng Campus natin.” Nagaalburuto kong sabi.
I was pissed again! Nakakainis talaga ang babae na iyon! Kapag nakita ko talaga iyon ulit, mauubos buhok niya sa akin. “Nag absent lang naman ho ako ng ilang weeks kasi may emergency pero pinagkalat niya na buntis daw ako. Sino naman po ba ang hindi magagalit kapag ganyan?”
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sir West dahil sa sinabi ko sa kanya.
“Then what made you think that you need to resort to violence?” Tumaas ang kilay niya.
Biglang uminit kahit na turbong-turbo iyong aircon naiinitan ko, parang pinagpapawisan ko.
“Nadala lang ng galit, Sir.” I said sabay iwas ng tingin.
“Ganito na ba ang ginagawa ng mga kabataan ngayon? I don’t tolerate this kind of behaviour Miss Parker. Ilang beses ka ng pabalik-balik dito sa Discipline office you should be thankful that Miss Arnaez isn’t available at ako ang nakakaharap mo.”
“Grabe ka naman, Sir maka ganito na ba ang kabataan ngayon.” Ngumuso ako sa kanya. “Sir! Ilang taon ka na ba?” Curious kong tanong sa kaniya.
“I’m only 24 years old, Miss Parker.” Giit niya.
“Eh, Sir. I am already 20 years of age, hindi ka naman masyadong katandaan pero parang makaakto ka ay nasa mid 50’s kana.”
Technically, I am still not 20... turning 20 palang ako.
“That won’t change the fact that I am still much older than you, Miss. Parker.” Sagot niya at umismid naman ako.
“I don’t tolerate this kind of behavior. Cresilda is in the clinic, the nurse is treating her wounds. At muntik na siyang na-kalbo. Paano kung hindi ako dumating doon? Your friends are even having a hard time stopping you.” He sighed at umiling-iling. He looks really disappointed, napanguso ako.
Tsk, tsk, tsk.. bawas ganda points, Ivette.
Umiling-iling siya at mayroong sinusulat sa disciplinary slip. Nang matapos siyang magsulat ay pinunit niya iyon at binigay sa akin.
“Suspension for 5 days Miss. Parker, let your teacher sign the paper that I gave you.” He said at isinuot ang kanyang salamin.
Napamura ako sa isip ko, paniguradong lagot na naman ako nito. Tumayo ako at nagpaalam kay Sir. West.
“Thank you po, Sir.” I said at bahagyang yumuko.
“Next time, Miss. Parker, if you don’t want to be suspended make sure you act ladylike.” He glared at wala naman ako sa sariling tumango sa kanya.
“Thank you and I am sorry, Sir.” Nakayuko ko na sabi.
Tinanguan niya lang ako, nagsimula akong maglakad papalayo sa kaniyang mesa. Inilagay ko ang aking kamay sa doorknob ng pintuan at marahang pinihit iyon at tinulak para ako ay makalabas na. Bumungad sa akin gang isang mainit na hangin, dahil siguro ito sa aircon. Nanatili kasi ako doon ng ilang minuto kaya maninibago talaga.
Tiningnan kong muli ang hawak-hawak ko na papel na binigay ni Sir sa akin. Nanlumo ng makumpirma na isa talaga iyong disciplinary slip. Mayroong nakalagay na suspension na color red pa ang color ng font. Andoon ang pangalan ko tapos may blank doon na para siguro sa pirma ng teacher ko tapos ang pirma ni Sir. West.
Panay mura ako habang lumalakad ako papalayo sa opisina ni Sir. I would be in big trouble if my parents knew that I was suspended! They would kill me!
"I'll just pray that my mom and dad won't go home from their business trips while suspended ako." I muttered to myself.