Aries POV Nagising ako sa tapik ni Mommy. "Aries, wake up. Hindi ka pa uuwi? It’s already late, baby." Hindi ko namalayan na nakatulog ako nang matagal. "What time is it, Mommy?" tanong ko habang hinihimas ang mata ko. "Eleven PM na, anak. Are you not going home?" sagot niya. "Uuwi ako, Mommy. Bukas na lang kita sasamahan dito." "Ok, sige," tumango siya bago bumalik sa tabi ni Daddy. Paglabas ko sa visitor area, nadatnan ko sina Aqua at Capri na naghihintay. "Mabuti na lang at nagising ka na. Let’s go home," sabi ni Capri. "Ok, tara na," tugon ko. Pagdating namin sa mansion, nagulat ako sa dami ng security na nakapalibot sa King's Fortress. Pagdaan namin sa main gate, masinsin nilang sinuri ang aming sasakyan bago kami pinapasok. Pagdating sa mismong gate ng mansion, may isa p

