Aries POV Nakailang ulit pa kami ni Zevian kagabi kaya ngayon medyo masakit na naman ang pagitan ng aking mga hita. Pagkagising namin kinaumagahan, nadatnan namin ang aming grandparents na nakaupo na sa dining area. Sabay kaming kumain ng breakfast at sinabi nila na mamamasyal kami ngayong araw sa buong Beaune. Kasama namin silang naglibot sa buong Beaune. Namangha kami sa ganda ng lugar at talagang nag-enjoy kaming dalawa. Kahit lagi naman ako dito sa Beaune, hindi pa rin ako nasasanay sa kagandahan ng lugar. Sa labas na rin kami nag-lunch at pati na rin ng dinner habang pinagmamasdan ang tahimik at mala-postkard na tanawin ng paligid. Pagkauwi namin galing sa aming galaan, dumiretso kami agad sa aming kwarto. Dahil pagod kami pareho, agad kaming nakatulog nang mahimbing. Kaya kinab

