LISETTE was busy typing on her computer at hindi na niya namamalayan ng maghahating gabi na pala. Babad na naman siya sa trabaho. Ang ayaw pa naman niya ay yung may naiiwan siyang paper works at hindi siya makakatulog nito pag hindi niya ito natatapos agad.
Napasandal siya sa swivel chair at ibinaba ang glasses sa mesa habang hinihilot nito ang sintido niya. Sumasakit ang ulo niya sa nagdaang oras dahil andaming problema ngayong araw.
Una, yung isang guest nila nagreklamo dahil sa mali ang in-incode ng front office sa kwarto nito imbes na magchi-check in sa mismong kwarto ay hindi pa pala naka check-out ang isang guest sa iisang silid.
At panghuli ay kulang ang mga dapat isi-serve na pagakin sa mga guest sa isa sa napakalaking event araw na iyon. At heto pa, ang tambak-tambak na paper works na dapat ay last week pa ito ibibigay ng sekretarya niya. This is a hell day!
"Aaarrgghh!" She groaned. At tumingala sa kisame para mawala ang mga inaalala nito. She wants to take a break for tonight para mawala ang problema nito. At saan naman siya pupunta?
Agad siyang napamulat ng may maalala. Tamang-tama at sabado ngayon at nasa gimikan s***h boy hunting ang mga bruha niyang mga kaibigan.
Nagmamadali itong tumayo at nagmamadaling isinara ang laptop nito at inayos ang nasa ibabaw ang nagkalay na mga dokumento sa office table. Pagkatapos ay kinuha niya ang Hermes bag at napasulyap saglit sa telepono nang walang text sa inaasahan niyang tao ay pinatay niya ito at agad itong ipinasok sa loob ng bag at papaalis sa opisina.
Isasara na niya sana ang pinto ng mapasulyap siya sa table ng sekretarya. Nandoon pa ito at tutok sa monitor scren ng computer.
Nilapitan niya ito.
"Bernardo, Why are you still here?" Tanong niya.
Napaangat ng tingin ang sekretarya.
May itsura naman ang sekretarya niya pero pamilyadong tao na ito.
He smiled at her. "Gusto ko kasi itong matapos na ngayon para wala ka ng po-problemahin bukas, boss"
Ito ang gusto niya sa sekretarya masyadong masipag kulang na lang ay magiging employee of the month.
Napailing siya. "Go home. Siguradong naghihintay na sa'yo ang asawa mo"
"Oo na po, tatapusin ko lang ito"
"Gusto mo bang sabihin ko sa asawa mo kung bakit late kang umuwi ngayong gabi dahil may kalandian kang babae?" Pagbabanta nito.
Pero alam namam ng sekretarya niya na biro lang ito pero takot siya dahil close sila ng boss nito at ng asawa niya at baka maniwala ito sa sasabihin.
"Wag naman ganoon boss." Nagmamadali itong tumayo. "Ito na nga oh, papaalis na. Ano kayang ulam ngayon."
Napangiti siya sa takot na baka tutuhanin ang sinabi nito.
"Good. Have a goodnight"
Pagkatapos nun ay iniwan na niya ito at naglakad papunta sa elevator. Bumukas agad ito ay pumasok at nagpahatid sa ground floor kung nasaan ang sasakyan nito. Nang makarating ay agad itong lumabas at dumeretso sa kotse at pumasok.
Binuhay niya ang makina at pinaharurot ito sa pupuntahang destinasyon.
Nang makarating sa lugar na iyon ay pinatay na nito ang makina ng sasakyan at lumabas. Sa labas pa lang ay dinig na dinig na noya ang malakas na musika mula sa loob.
Sweet Club.
Agaw pansin na ang club na ito. Hindi lang dahil sa iba't-ibang ilaw mula rito ay mga mayayaman at kilalang tao sa industriya ang maaaring makapasok pa rito. Kung suswertihin ay maari kang makapasok sa mapapagitan ng imbita sa'yo isa sa mga miyembro nila.
At isa si Lisette sa mga miyembro nito.
Bago siya makapasok sa club ay ipinakita niya sa bouncer ang Sweet Club I.D Member niya. Isa itong blue transparent card na may desenyong kulay asul na rosas sa right corner at katabi nito ang napakaliit na bar code kung saan ang impormasyon ng mga miyembro. At naka-ingrave sa black chiller font ang pangalan ng club.
Bumungad agad sa kanya ang napakagandang ambiance ng club. Mga taong nagsasayawan sa dance floor. Ang napakalakas na musika na nangaggaling sa Tonight's Dj ngayong araw.
At ang malilikot na iba't-ibang kulay ng ilaw nito at ang nakakaagaw agad ng atrnsyon sa lahat ay ang kulay asul na pool nito sa gitna ng club. Araw-araw ay paiba-iba ang theme ng lugar na ito.
Ngayon ay god and goddesses naman. Kulay ginto at pilak ang buong paligid maliban lang sa pool nito sa kadahilanan na ito ay ang signature ng club. Sa ilalim nito ang nakasulat na SC. And the whole club look fantastic.
Para gusto niya tuloy sumayaw sa indayug ng musika nito. Napangiti siya habang nakapikit ang mga mata at dinadanama ang tugtugin.
Nagmulat siya ng mga mata at hinanap ang mga kaibigan niya. At doon nakikinita niya ito sa dating pwesto nila. Nagkakasiyahan ito.
Lumapit siya.
"Hey, gurls!" Bati niya sa kanyang mga kaibigan at umupo sa napakalaki nitong gold couch.
"Finally you're here!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan niyang si Grace. Katabi nito ang isang lalake na kulang nalang ay maghalikan sila.
Grace is a certified playgirl.
"Yeah!" Gating sigaw nito dahil sa lakas ng tugtugin sa buong paligid.
"So, how's life?" Nilingon niya si Ann.
Nilingon niya si Ann at nakita niyang napapangiwi ito sa tuwing gumagawi ang tingin nito kay Grace. As always. Bitter ito kapag nakakakita ngmga naglalampungang partners.
"Ito stress parin dahil ang daming problema ngayon sa hotel"
"Sanay ka naman sa mga ganyan kaibigan nakapa-workaholic mo kasi kulang nalang lasingin mo ang sarili mo sa trabaho mo" gatul ni Lorejoy. Na sumisimsim ng inorder nitong margarita.
Tama sila. Sa mahal niya ang trabaho niya. Ito ang gusto niyang maging noong bata pa siya.
Pero itong mga kaibigan niya ay parang wala lang sa mga sarili nitong trabaho. Nagawa pa ring mag-club kahit sobrang abala ang mga ito. Sa katunayang nga mas abala sila kesa sa kanya dahil may sari-sarili itong mga business sa buhay.
"Sa gusto kong maging busy"
"Yan!" Sigaw ni Jolina. "Kaya nga hindi ka nagkaka-lovelife 'e. Trabaho ang inuuna mo, kaibigan" Dagdag nito.
"Hindi niya kailangan ng lovelife. Nabuhay siya ng dalawangput-walong taon ng walang lalake kaya mabubuhay rin siyang wala iyon." Sabi ni Ann na sumimsim sa inorder nitong cocktail.
"Kaya ikaw rin walang lovelife dahil ang bi-bitter mo sa mga lalake pati si Lisette dinadamay mo" ganti naman ni Jolina na nakataas na ang kilay nito.
"Hoy. Wag mo akong pangunahan Junalo!" Hamon nito.
Napailing na lang siya sa inasal ng mga kaibigan niya. Kahit kailan ay hindi ito nagbabago. Nagbago man ang mga eded hindi naman ang mga ugali.
"But. How's your unlucky suitor?" Nilingon siya ni Ann.
Napalingon naman siya sa iba pa nitong kaibigan na nakatingin rin sa kanya at naghihintay ng sagot. Napabuntong hininga ito.
"Ito. Ilang araw ng hindi nagpaparamdam"
"Ay! Alam na diz!" Tili naman ni Grace na ngayon ay nakaakbay na sa kaya ang lalake.
Tumango ang mga kaibigan nito bilang pagsang-ayon.
"Usapang kaibigan lamang girl---" Seryoso siyang tinitigan ni Lorejoy.
"His cheating on your back. Pustahan tayo" Lorejoy cut off ng sumingit si Ann sa kanila.
"Alam mo Ann. Ang pranka mo talaga" saway naman ni Jolina.
Biglang may umikos sa kanyang kaba. Ayaw man niyang paniwalaan pero may bahagi sa kanyang damdamin na paniwalaan ang sinabi ng kaibigan.
"What? Totoo naman ang sinabi ko. Ang mga lalake ay pare-pareho lang yan. Matapos kang paikotin ay iiwan kang basag na basag"
"Oy. Hugot yun. Ma-Gm ko nga" pabirong singit naman ni April. Na kanina pa palang nandiyan at nakikinig lang sa nakikinig sa kanila sabay labas ng cellphone nito sa branded nitong bag.
"Ganyan nga pril. Apprentice ng kita" sabi ni sabay patong ng kamay nito sa ulohan niya.
"Nasaan si Akane?" Kapagkuwan ay tanong niya.
"Alam mo naman na mas busy yun mas dinaig pa ang prisedente ng Pilipinas." Sagot ni Lorejoy.
Oo nga naman. Isa itong Lieutenant General at may-ari ng club na ito. Sayang makakalibre pa naman siya sa babaeng iyon.
"Saan ka pupunta?" Tanong ng kaibigan niyang si April na nasa screen parin ng cellphone nito nakatingin.
"Oorder lang" hindi na niya hinintay na magsalita ito at naglakad papuntang counter kung saan sumasabay ang bartender sa pagf-flair ng inumin sa tugtog ng musika.
"Hey!" Tawag niya sa bartender.
Ngumiti ito sa kanya.
"Usual?" Tanong nito.
"Yeah" bored na sagot nito kilala niya ang bartender dahil sa matagal na itong nandito sa bar. At kilala na rin niya ang ibang staff na nandito dahil isa sa mga kaibigan niya ang may-ari ng bar na ito.
Ginawa naman ng bartender ang pinapagawa sa kanya at agad sinerve sa kanya. Inisahang lagok niya ang mojito at napangiwi sa lakas ng tama nito sa kanya. Napakainit nito sa lalamonan pero sanay na siya dahil ito palagi ang inoorder niya pag nandito siya sa bar.
"Isa pa" utos niya na agad namang sinunod. Nasa isip parin niya ang sinabi ng kaibigan at bumabagabag na baka ito ay totoo. Hindi niya ata kakayanin kung totoo nga ito. Oo. He like Nate pero paano pa kaya kung totoo iyon. Iisipin pa lang niya ay sobrang sakit na nito.
Naramdaman niyang may tumabi sa kanya dahilan para mapalingon siya rito at naistatwa dahil sa mala-asul na mga mata nito. Para siyang nahipnotismo sa pagkatitig nito sa kanya.
Napababa ang mga mata nito sa matagos na ilong nito at ang manipis na mga labi na parang inaakit siyang halikan ito. Isang salita. Handsome.
"Hi." At ang malalim na boses nito. Parang mahuhulog ata ang panty niya.
Napabalik ang tingin niya sa mga asul na mga mata ng binata.
Napalunok siya.
"H-hi?" She's stuttering. s**t. Bakit siya nauutal. Dahil ba sa presensiya ng lalakeng ito?
Napangiti ang binatang nakatitig lamang sa kanya.
Makalaglag panty ang mga titig nito paano pa kaya ang mga ngiti nito at baka ang bra naman niya malaglag. Makalaglag panty at bra ang binatang ito.
"What a rude of mine..." Inilahad nito ang malalaki nitong kamay. "Ryker Marius, by the way"
Is she flirting with her?
Nakipagkamay siya sa lalake. "Lisette Abigail..." pagpapakilala niya at ningitian ang lalake.
"So, boy hunting?" Kapagkuwan ay tanong nito.
"Kapag nasa bar. Boy hunting agad? Hindi ba pwedeng nagchi-chillax lang?"
Tumawa ito na may tunog na nakapagpaagaw ng atensyon ng mga taong malapit sa pwesto nito. "Sorry for that"
"Nuh. It's okay. Ganyan naman ang iniisip ng iba pag nasa bar ang mga katulad ko." sabay abot ng mojito-ng inabot sa kanya ng bartender. "I have to go, bye." hindi na niya hinintay na magsalita ang binata at iniwan ito.
Habang naglalakad ay nararamdaman niya parin ang mga titig ng binata kahit nakatalikod ito. Pero pinagsawalang bahala niya lang ito at umupo sa katabi ng mga kaibigan.