Kabanata 20 "Daddy, Mommy, wake up na po," pagpukaw ng tatlong bata sa magulang nila na mahimbing pa rin na nakatulog sa sahig. Kagabi, gusto ni Blue na magkatabi sila ni Katleya kaya ang ginawa niya ay naglapag siya nang makapal na bedsheet sa sahig para gawing higaan nila. Sang-ayon naman dito si Katleya kaya napasarap ang tulog nila habang mahigpit ang yakap sa isa't isa. Isa na rin sa rason kung bakit mahimbing ang tulog nila ay pagod silang natulog kagabi. Nang matapos kasing magpakalunod sila sa sarap sa banyo, muling humingi ng panibagong bakbakan si Blue at ginawa nila iyon sa sofa, sa pinto, sa loob ng cabinet, at sa sahig. "Good morning, pogi brothers," masayang bati ni Blue. Nagtanggal din ito ng muta at inamoy ang sariling bunganga. "Kanina pa kayo nagising, Nak?" tanong n

