Chapter 3 - Sunset

2068 Words
Suot ang body fit sando na kulay itim at ang pinutol na maong pants , gamit ang white cane. Papunta si Randy sa lumang barko . Maaliwalas ang panahon. Halos ka uuwi lang n'ya galing sa trabaho. Kasunod ang alagang aso na si kiko. Paikot ikot itong naglalakad at pa talon talon pa. "Kiko, bilisan mo para maabutan natin ang sunset," pasigaw n'yang sabi habang tuwang tuwa sa kanyang alaga. Mabilis ang kanilang mga hakbang papunta sa lumang barko na ilang metro lang ang layo mula sa kanilang bahay. "Aw aw aw ," malakas at matinis na tahol ni kiko. Habang naglalakad na nakatingin sa kanya . Ang lumang barko ay nasa 40 metro ang haba , gawa ito sa kahoy at sinasabing gamit ito ng mga mangingisdang chino . Na naanod ng alon dahil sa malakas ng bagyo halos 50 years na ang nakakalipas. Halos mahati na ang barko dahil sa kalumaan . Bulok na rin ang ibang parte nito. Mabuti nalang buo pa ang upper deck na paboritong tamabayan nila Randy. Nakaupo paharap sa kanluran , dinig ng binata ang hampas ng alon at humi ng mga ibon. Ang malamig na ihip ng hangin na humahaplos sa kanyang mukha . Katabi ni Randy ang alangang aso. Nag uumpisa nang maging kulay kahel ang paligid. Sinasabayan nang mahinahong tahol ni kiko. "Ano kiko, sunset naba?" Himas himas ang ulo at katawan ng aso. Napapikit at ini imagine ng binata ang ganda ng paligid habang palubog ang araw. Ilang minuto pa ang kanilang pinalipas ,hanggang sa nag aya na s'yang umuwi. Sakto nagluluto na ng hapunan ang kanyan nanay . Pinangat na tulingan na niluto sa palayok ang kanilang ulam. Mayroon pang steamed na talbos ng kamote na ang sawsawan ay baggoong isda na may kamatis , sibuyas , pinigaan ng kalamsi at siling labuyo. Sabay sabay nag hapunan ang mag anak sa kanilang six sitter wooden dining set. Naka upo sa kanilang kubo ang binata habang nakabantay si kiko .Tinitipa ang kuwerdas ng kanyang gitara . Na ang tono ay ang kanyang favorite song na Nandito Ako. Magkatimbre sila ng boses nang magaling na singer na si Ogie Alcasis. Kaya ang mga kanta nito ang paborito n'yang tugtugin at kantahin. Kay gandang pakinggan ng kanyang boses. Dinig hanggang sa loob ng kanilang bahay ang kanyang malamyos na tinig. Naka dalawang kanta rin si Randy bago bumalik ng bahay. Nang makapasok ay diretso s'ya sa kanyang kuwarto. Kinapa ang tuwalya na naka sabit sa dingding palapit sa pintuan, saka nagtungo sa kanila banyo. Iniwan ang tungkod sa labas ng banyo saka pumasok. Isinabit ang puting tuwalya saka naghubad ng damit. Binuksan ang shower inunang basain ang mukha kasunod ang buhok at katawan. Saka nag sabon ng buong katawan. Naka tapis ng tuwalya mula beywang lang ang suot, lumabas ng banyo si Randy, kinapa ang tungkod na nasa gilid ng banyo. Pumasok ng kanyang silid saka nagbihis ng paborito n'yang pantulog, ang sandong puti na may butas sa likod at boxer short . Sa gawing kanan ng kama ang kinaroroonan ng bintana ng kanyang silid. Sliding window screen ang nagsisilbing pangharang para hindi makapasok ang mga insekto , ayw niya na naka sara ang bintana, gusto niya na pumapasok at nagse- cetculate ang hangin sa loob ng kanyang silid . Kinaumagahan ay naabutan niyang naglilinis ng bakuran ang kanyang nanay. Palabas palang s'ya ng pinto ay dinig na dinig n'ya ang paghampas ng walis tingting sa lupa. "Good morning po nay, "malambing na bati ng binata. Habang nakatayo sa pintuan "Good morning nak," nakangiting tugon ng kanyang nanay habang nagwawalis. "Tatapusin ko nalang ito para makakain na tayo," dagdag pa n'ya. "Sige po nay, mauuna pa po ako sa kusina. " saad ng binata at saka tumalikod papunta sa kusina. Nakasalubong naman ni Randy ang kapatid na si Benjo habang papunta ng kusina. Payakap itong lumapit sa kanya. Nagulat naman ang binata sa ginawa ng kapatid. "Kuya! " sigaw ni Benjo sabay yakap sa beywang ng kanyang kuya. Kagigising lang din ni Benjo , kusot pa ang buhok nang lumabas ito ng silid. Katabi pa ng kanilang mga magulang si Benjo sa pagtulog. "Uy, good morning pogi! " nakatawang bati ng binata sa kapatid. "Siyempre mana s'yo eh," nakatingalang saad naman ni Benjo. Sabay na nagtungo sa kusina ang dalawa habang nakayakap si Benjo sa beywang kanyang kuya. Sila na ang naghain ng kanilang almusal. Sunny side up egg, tuyo at sinangag ang kanilang almusal. Silang mag iina lang ang nag almusal dahil maagang umalis ang kanilang tatay. Ang kanilang tatay ay isang engineer, nagtatrabaho bilang sanity inspector sa kanilang municipality. Mabait at tapat sa tungkulin si mang Rey. Halos twenty years na s'yang naglilikod bilang inspector sa kanilang munisipyo. Tuwing Lunes ay kailangang present ang kanyang tatay para sa kanilang weekly flag ceremony. Kaya naman tuwing Lunes ay hindi nila ito nakakasabay kumain ng almusal. Ang kanilang nanay naman na si aling Berna ay guro sa mababang paaralan ng Lussoc. Isa siyang grade six teacher at assistant principal sa naturang paaralan. Umaalis bago magtanghaling tapat ang kanyang nanay at umuuwi bago mag alas sais ng hapon. Madalas sinusundo ni mang Rey si aling Berna at sabay silang umuuwi ng bahay. "Ihinto mo tapat ng tindahan ni manang Dociang at bibili ako ng tide powder at downy, maglalaba ako bukas . Ubos kasi yong stock natin." Saad ni aling Berna habang sakay sila ng kanilang owner type jeep . Ang tindahan ay nasa b****a ng kanilang baryo. Ito ay isang mini grocery kaya marami ang namimili rito. Si aling Berna lang ang bumaba, nag antay lang si mang Rey sasakyan. Paglabas ng tindahan ay may dalang kakanin si aling Berna, tinupig ang tawag sa kakaning iyon. Halos kaluluto lang kaya bumili si aling Berna, pasalubong sa dalawang anak. "Anu yan?" turo ni mang Rey sa supot na dala ng asawa. Habang ini start ang sasakyan "Tinupig, bagong luto lang. Pasalubong sa dalawa, " nakangiting tugon ng asawa. Ilang sandali pa ay narinig na ni Randy ang tunog ng kanilang sasakyan. Nanood sila ng television ng mga oras na iyon. Tinapik ni Benjo ang hita ng kanyang kuya, " Kuya, nandyan na sila tatay!" Excited na sabi n'ya. "Oo nga nandyan na sila," tugon naman niya. Tumatahol naman si kiko habang nakatayo sa harap ng pintuan. Excited din sa pagdating ng mga amo. Tumayo at nagmano ang magkapatid sa kanilang mga magulang . "Ano 'to nay?" Tanong ni Benjo habang sinasalat ang supot na hawak ng kanyang nanay. Iniabot ang supot sa anak." Tinubong 'yan pasalubong namin sa inyo ng tatay n'yo, " nakangiting tugon ng kanilang nanay. "Thank you po," nakangiti ring sagot ng binata Inilapag ni Benjo sa kanilang wooden center table ang supot ng tinupig , kumuha siya ng isang piraso at binuksan ito .Saka iniabot sa kanyang kuya Randy. Pagkatapos ay kumuha din s'ya ng para sa kanya at sabay nilang nilantakan ang kakanin habang nanonod ng television. Almost perfect ang pagsasama at pagmamahalan ng kanilang mga magulang . Hindi na matandaan ni Randy kung kelan sila huling nag away. Kahit ang magsigawan ay hindi pa n'ya narinig mula sa kanila. Para silang mga bagong kasal na laging naglalambingan. Sweet at loyal si mang Rey kay aling Berna. Hindi na nagawang tumingin sa ibang babae ng kanyang ama mula ng sila ay makasal ng kanyang nanay. Nais ni Randy na balang araw, sana ay maging gano'n din sila ka sweet ng kanyang mapapangasawa. Isang araw ay mag -isa si Randy sa kanilang bahay. Nasa trabaho ang kanyang tatay at nasa eskwelahan naman ang kanyang nanay at ang kanyang kapatid. Tanging si kiko ang kanyang kasama. Huhugasan sana n'ya ang kanyang mga pinagkainan nang biglang bumulwak ang tubig ng gripo. Basang basa ang binata. "Ay! " Tanging salitang nasabi ng binata. Hindi n'ya malaman kung anong ilag ang gagawin. Sobrang lakas nang bulwak ng tubig na humahampas sa kanyang mukha. Halos maligo ang binata. Maya maya ay lumuhod ito, kinapa ang gate valve sa ilalim ng lababo. Na agad naman n'yang nahanap at pinihit upang mahinto ang pagbulwak ng tubig. "Sa wakas! " maagap na saad n'ya. Napasalampak sa sahig habang himas sa ulo ang aso na tahol nang tahol kaninang malakas ang bulwak ng tubig. Pati si kiko ay basang basa rin. Hindi mapakali si Randy, gusto na n'yang maayos ang sirang gripo. Ayaw na n'yang iasa pa ito sa kanyang tatay. Kaya nagpunta s'ya ng bayan. Dala ang kanyang white cane ay mag-isa itong sumakay ng tricycle. Nagpahatid sa hardware store na nasa bayan. Inarkila nalang n'ya ang tricycle. Inantay s'ya nito hanggang makabili s'ya ng gripo. Dinala ni Randy ang sirang gripo upang may maipakita siyang sample sa tindera. Habang papauwi ay nadaanan nila ang mini grocery ng kanilang barangay. Doon na bumaba ang binata. Naisip kasi n'yang bumili ng tinupig. All time favorite ika n'ya. Gamit ang tungkod ay binagtas ni Randy ang daan pauwi sa kanila. Ginagawa ang kalsada malapit sa kanilang bahay. Medyo malalim ang hukay buti nalang ay bihasa na s'ya sa paggamit ng white cane. Naiilagan n'ya ang mga batong nakaharang sa kanyang daraanan at ang mga hukay na nakabuyangyang . Hindi pa nakakapasok ng gate ang binata ay dinig na n'ya ang masayang tahol ni kiko. Hindi man nakikita ay alam niyang tumatalon sa galak ang aso. Maya maya pa ay sumalubong na ito kay Randy. Lumuhod ang binata. Masayang hinimas ang alaga. "Kamusta ka kiko, anung ginawa mo habang wala ako ha?" Masayang tanong n'ya habang dinidilaan ni kiko ang kanyang pisngi. Maya maya pa ay tumayo ito. Nagtungo sa kusina . Inilapag ang whte cane sa lamesa at inumpisahang gawin ang sirang gripo. Inilabas ang bagong biling gripo sa supot. Kinuha ang plier at teflon tape. Mag-isa n'yang ginawa ang sirang gripo. Nang masiguro n'yang mahigpit at maayos na ang pagkakalagay n'ya ay lumuhod s'ya ulit upang buksan ang gate valve. Saka tumayo at pinihit ang handle ng gripo . Maayos na lumabas ang tubig sa gripo,wala ng tagas. "Salamat naman, kita mo kiko sabi ko s'yo maayos ko 'to," pagmamalaking saad ni Randy habang nakangiti. "Aw aw aw," tugon naman ng aso, animo'y naiintidihan ang mga sinasabi ng binata. Maya maya pa ay tinungo ni Randy ang kanyang silid. Kinuha ang kanyang gitara at nagtungo sa kanyang paboritong tambayan ang sirang barko. Nakasunod lang ang alangang aso . Sa loob ng barko ay naglagay ang kanyang ama ng papag na puwede nilang upuan at higaan . Kalkulado na ni Randy ang pasikot sikot sa loob gamit kanyang tungkod. Magkatabi sina Randy at kiko na nakasalampak sa papag habang inaantay ang paglubog ng araw. Tinitipa ang gitara. Tinutugtog at kinakanta ang Huwag ka lang mawawala ni Ogie Alcasid. Tahimik lang na nakamasid ang aso, animo'y nakikinig sa magandang tinig ng binata. Kumakawag ang buntot at gumagalaw galaw pa ang tenga. Hanggang sa tumahol ito ,senyales na nag uumpisa nang lumubog ang araw. Nag uumpisa ng mag kulay kahel ang paligid. Huminto si Randy sa pagkanta, pinakiramdaman ang paligid. "Sunset na ba kiko?" Nakangiting saad n'ya sa aso habang hinihimas himas ang ulo nito.. "Aw aw aw," tugon naman ng aso habang kumakawag ang buntot. "Enjoyin mo nalang ang kagandahan ng sunset para sa akin kiko." Aniya, nakangiti man kita pa rin sa mga mata ng binata ang lungkot at panghihinayang . Maya maya pa ay lumabas ng barko ang dalawa. Habang papauwi , napatid si Randy sa buko na nalaglag sa kanyang daraanan. Huli na ng makapa n'ya ito gamit ang tungkod. Napatagilid ang binata. Maagap namang lumapit si kiko, tumahol ito na parang sinasabing tumayo s'ya. Kinapa ang tungkod hinahanap kung nasaan ito. Saglit pa nahanap din n'ya ang tunkod. Nang makatayo ,pinunasan ang mga buhanging na dumikit sa kanyang tuhod at siko. Buti nalang ay wala s'yang galos. Naabutan n'yang nagluluto na ng hapunan ang kanyang nanay , nanood naman ng television si Benjo habang nag susulat sa study table. "Kuya!" Masayang bungad ng kapatid. Sabay patakbong yumakap sa kanya."Galing ka ba sa barko?" Tanong pa nito . Kinusot ang buhok ng kapatid habang nakangiti. " Oo , bakit 'di ka sumunod?" Tanong ng binata "Sabi kasi ni nanay h'wag na raw kasi pabalik ka rin lang naman, " nakanguso na tugon ni Benjo. Sabay silang umupo sa kanilang four sitter rosewood sofa. Saka tinupi ang kanyang white cane at ipinatong sa center table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD