CHAPTER 6 (BAHAY-AMPUNAN)
Lena's POV:
Natapos ang araw na ang mensahe ni Sarah ang laman ng isip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero talagang hindi ako mapakali simula nang mabasa ko iyon.
Sa kabilang banda, medyo nasisiyahan ako dahil alam kong kapag dumating si Sarah, maaaring makaalis na ako sa puder ng pamilya niya.
Ngunit bakit ganoon? Tila lumalabis ang kalungkutan ko. Parang hindi ko yata kaya na makitang magkasama sila Drake at Sarah.
Hays, ewan. Nalilito na ako sa aking sarili.
"Good morning," bati sa akin ng lalaking nasa unahan ko, na may ngiting kakaiba ngayon.
"G-good morning," tugon ko naman na may pag-aalinlangan.
"Mukhang tulala ka yata? Kanina ka pa tinatawag ni Mama. Hindi mo ba naririnig?" tanong niya, kapansin-pansin ang pag-aalala sa boses niya.
"G-ganoon ba? P-pasensya na," sambit ko, pakiramdam ko'y namumula ang pisngi ko.
"Ayos lang. Halika na, may pupuntahan tayo," sabi niya, sabay abot ng kamay niya para hawakan ang akin.
Ang biglaang pagdampi ng kanyang kamay ay nagpadaloy ng kuryente sa aking katawan.
Sa araw na ito, kakaiba ang kilos ni Drake na parang isang anghel. Siguro dahil ito sa mensahe ni Sarah? Ang pag-iisip ko nito ay nagbigay sa akin ng kaunting sakit.
"S-saan ba tayo pupunta?" ito na lamang ang lumabas sa bibig ko habang nagmamaneho siya.
Ang mahinang ugong ng makina ay hindi nakatulong para pakalmahin ang aking puso.
"Magpapasama ako sa'yo para bumili ng singsing," sagot niya habang nakatuon ang tingin sa daan.
Napadako ang tingin ko sa kanya dahil nabigla ako sa kanyang sinabi.
Kaya lang tila tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang karugtong ng kanyang pangungusap.
"— Ibibigay ko kasi para sa babaeng mahal ko," dagdag niya, mahina ang kanyang tinig.
"Tsk. Bakit mo pa ako isinama? — Kaya mo namang bumili ng singsing kahit ikaw lang mag-isa," iritadong tanong ko sa binata.
"Dahil may atraso ka sa akin, remember?" paalala nito. Ang kanyang tono ay parang nagbibiro ngunit may seryosong diin.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," bulong ko, ibinalik ang tingin sa mga nagdaraang tanawin.
"Huwag kang mag-alala, ilang araw na lang at babalik na si Sarah. Kaya pagkakataon mo na ring umuwi sainyo," sabi niya, ang kanyang mga salita ay isang tahimik na pangako.
"A-ano bang ibig mong sabihin?" ang aking tinig ay halos hindi ko na marinig.
"Tutulungan kita basta tulungan mo rin ako."
Kahit hindi niya direktang sinabi, nauunawaan ko. Ang hindi nasabing kasunduan ay mabigat na bumagsak sa pagitan namin.
Hindi ako sumagot, pinili kong manahimik na lang. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Narito na nga pala sa mamahaling jewelry store. Kasalukuyan siyang naghahanap ngayon ng singsing na ibibigay niya kay Sarah.
"Ano sa tingin mo? Alin dito ang maganda? Ito ba o 'yung isa pa?" tanong niya, habang itinuturo ang kumikinang na mga singsing na nakahelera mismo.
"Lahat naman maganda," sagot ko naman na walang sigla, walang tunay na interes.
Naramdaman kong sumasama ang aking pakiramdam sa bawat segundong lumilipas. Nandito na kami ng matagal, at siya'y hindi pa rin makapagdesisyon. Bakit kailangan ako pa?
"Mamili ka na lang ng isa na sa tingin mo magugustuhan niya," pag-uudyok niya, habang ang tingin niya'y naglilibot sa mga masalimuot na disenyo.
"Bakit hindi ikaw ang pumili? Mahal mo naman siya, 'di ba? Kaya dapat alam mo na ang gusto niya," tugon ko, may bahid ng pait sa aking tinig.
Tinalikuran ko siya, gustong-gusto ko nang umalis sa pekeng sitwasyong ito. Ngunit ang kanyang kamay ay mabilis na lumapit, matatag ngunit malumanay, sa aking braso.
"Huwag mo akong talikuran. Nakakalimutan mo bang may atraso ka pa sa akin?" paalala niya, ang kanyang mga mata'y nakatingin sa akin.
"Tsk. Sige na nga." Bumuntong-hininga ako, talunan. "Oh, ito na." Itinuro ko ang isang diamond ring, ang presyo nito ay nakakagulat na 350,000. Oo, 350,000.
Pinili ko ito sa pag-asang ang laki ng gastos ay magpapabago sa kanyang isip.
"Okay, bibilihin ko 'yan," sabi niya nang walang pag-aalinlangan, ang kanyang tinig ay mahinahon at tiyak.
"B-bibilhin mo talaga?" tanong ko, ang pagtataka ay nahahalata sa aking boses.
"Bakit hindi?"
"Ang mahal kaya niyan," protesta ko, desperadong sinusubukang ilayo siya sa desisyong ito.
"350,000 ay barya lang sa akin," sabi niya na may nakakaakit na ngiti.
Wala na akong nagawa kundi ang manahimik, isang buhol ng hindi maipaliwanag na bagay ang bumibigat sa aking dibdib.
Nang matapos niyang bilhin ang singsing, lumabas na kami ng jewelry store.
Sumakay na nga kaming dalawa sa kanyang kotse.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko, ang aking tinig ay may halong pagod at pag-asa. Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumiti lamang ito bago niya pinaandar ang sasakyan.
"Ano ba, tinatanong kita!" sigaw ko at lumalabas ang aking pagkadismaya.
"Na-pipi ka na ba, Drake?!" sigaw ko ulit nang hindi pa rin siya nagsasalita.
"Hoy, sumagot ka nga!" tinusok ko ang tagiliran niya hudyat para magalit ito.
"f**k Lena. Can you just close your mouth? Ang dami mong satsat!" sagot niya, halatang nawawalan na ng pasensya.
"Hindi ka kasi sumasagot," ang sagot ko, ang aking tinig ay may halong pagkayamot.
"Tsk."
"Para siyang tanga," bulong ko sa aking sarili na sa kabutihang-palad ay hindi niya narinig.
Nasagot ang tanong ko kanina nang huminto ang kotse. Pagtingin ko sa labas, nakita ko ang nakasulat. Iang bahay ampunan.
Napahinto ang aking paghinga. Tama ba ang nakikita ko? Nasa bahay ampunan kami?
"Ano pang hinihintay mo? Bumaba ka na," sabi niya, ang kanyang tono ay mas mahinahon na ngayon.
Kahit nalilito pa rin ako, sumunod ako. Paglabas ko pa lang ng kotse, isang kumpol ng mga bata ang tumakbo papalapit sa kanya.
"Kuyaaaaa!"
"Nandito na ulit si Kuya!"
"Miss you, Kuyaaaaa!"
Ang kanilang masasayang sigaw ay umalingawngaw, isang simponiya ng purong kagalakan.
Nanlaki ang aking mga mata habang pinapanood ko siya. Doon ko lang talaga naintindihan. Mahilig si Drake sa mga bata. I can't believe na meron siyang ganitong pag-uugali. He has a two sides.
Isang init naman ang bumalot sa aking dibdib habang pinagmamasdan ko siya, ang kanyang mukha ay nagliliwanag sa tunay na kaligayahan habang nakikipagbiruan at naglalaro sa mga bata, na malinaw na kilala at mahal na mahal siya.
Napansin niya ang aking tingin at ngumiti siya nang bahagya, isang mapanuri ngunit malambing na ngiti, na nagpatabi sa aking tingin.
"Nga pala, Mother, si Lena po pala," pagpapakilala niya sa akin.
"H-hello po," ito lamang ang tanging nabigkas ko sa harapan ng mga madre.
"Magandang babae... Siya ba ang kinukwento mo sa akin noon?" tanong ng madre, ang kanyang mga mata'y puno ng kabutihan.
"Hindi po, Mother. Si Sarah po ang kinukwento ko sa inyo," pagtatama niya.
"Gano'n ba? Akala ko kasi siya na. — Naalala ko kasi ang sinabi mo sa akin dati—na ang unang babaeng dadalhin mo rito ay ang mahal mo."
Ang mga salita ng madre ay parang isang pisikal na suntok.
Ibig sabihin, ako ang una? Hindi niya pa nadadala rito si Sarah?
Sa naisip kong ito, isang tunay at hindi sinasadyang ngiti ang umukit sa aking mga labi.
"Mother, matagal ko na pong sinabi iyon. At saka, kapag umuwi si Sarah, ipapakilala ko rin po siya sa inyo," mabilis na dagdag niya. Ang ngiti ko kanina ay biglang naglaho na parang bula.
"Ah, sige. Halina kayo, may pagkain doon. Kumain muna tayo," sabi ni Mother at inaya na lamang kaming pumasok.
Malamang napansin niya ang biglang pagyuko ko. Marahan niyang hinawakan ang aking braso at ginabayan ako patungo sa kainan. Habang naglalakad kami, inilibot ko ang aking paningin sa simple ngunit kaaya-ayang kapaligiran ng bahay ampunan.
"Sandali lang, mag-ccr muna ako. Dito ka lang," paalam niya. Tumango lang ako, ang aking tingin ay napako sa mga litrato sa dingding. Nakita ko ang kanyang mas batang anyo sa mga ito, isang masiglang bata na nagbibigay ng mga regalo.
"Mabait siya, 'di ba?" biglang sabi ni Mother, nagulat ako sa kanyang biglang pagsasalita.
"Mabait, at napakagwapo pa," dagdag niya, ang kanyang mga mata'y kumikislap. Kahit hindi niya binanggit ang pangalan, alam kong si Drake ang tinutukoy niya.
"O-oo nga po," mahina kong sagot, pinipilit ang mga salita.
Ang totoo, ang dalawang ugali niya ay nakakalito sa akin. Hindi ko maitatanggi ang kanyang kaakit-akit na itsura, ngunit ang kabutihan niyang ito... tila hindi pa ako kumbinsido.
"Sayang. Akala ko pa naman ikaw na ang babaeng lagi niyang kinukwento sa amin," sabi niya, may halong lungkot.
"Ah, hindi po ako iyon," pagtatama ko, ang aking tinig ay halos hindi ko na marinig.
"Kaya nga sayang eh," ulit niya.
"B-bakit naman po sayang?" tanong ko sa kanya na labis ko nang ipinagtaka.
"Dahil ang mga taong tumutulong dito, kung sino ang unang isama nila, sila kadalasan ang nagtatapo sa altar. Silang dalawa ang nagiging mag-asawa," paliwanag niya.
Ang kanyang mga salita ay parang malamig na bato sa aking sikmura.
"Kaya hindi ako magkakamali na baka may pag-asa kayong dalawa na magpakasal," dagdag niya. Ang pahayag na iyon ay parang isang pisikal na pwersa.
Napahawak naman ako sa aking lalamunan, na para bang nahihirapan akong huminga.
"Mother, imposible po iyon. Hindi po ako ang babaeng mahal niya. Suntok sa buwan po 'yang sinasabi niyo," ang aking pagtutol, ang aking tinig ay garalgal.
"Alam mo hija, Diyos lang ang nakakaalam kung sino ang nakatadhana para sa iyo... Kahit sabihin mo pang iba ang mahal niya, kung hindi iyon para sa kanya, wala siyang magagawa," tanging saad ni Mother.
Ang mga binitawan niyang salita ang nagpagulo sa utak ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na mag-overthink tungkol sa mga sinabi ni Mother.
Paano kung tama siya? Paano kung, sa kabila ng lahat, si Drake at ako ay talagang nakatakda? Mamahalin niya kaya ako?