Pinaghila siya ng upuan ni Joseph nang mapansin nitong natulos siya sa kinatatayuan. Lumapit si Eunice at Razel sa mesa at nagmano pa ito kay Caredad. Sinandukan siya ng asawa ng kanin at ulam, habang umupo naman ang dalawa sa bakanteng upuan at magkaharap sila ni Razel. Panay ang tabil ni Eunice, halatang bini-bida nito ang lugar na napuntahan nila. Nanatili lang tikom ang kanyang bibig. Kahit gusto niyang takpan ang tenga dahil nakakarindi siya sa boses nito ay wala siyang nagawa kundi ang pakinggan ng isang tenga at labas sa kabilang tenga. Kinuha niya ang longganisa at nilagay sa plato ng asawa. "Thank you, honey.." Saad ni Joseph kaya ngumiti siya dito. Si Razel naman ay tahimik rin na kumakain. Tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig mula dito. Nang matapos sa pagkain si

