Chapter 3

1120 Words
"WHERE am I?" kunot-noong tanong ni Heather nang magising siya. Napahawak siya sa kaniyang ulo. "Aish! Ano bang nangyari sa 'kin? Ang sakit ng ulo at katawan ko," reklamo niya. Marahan siyang bumangon at inikot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. She was in the middle of nowhere. Wait, what? She thought nag-time travel siya. "Hija, okay ka lang?" tanong ng isang babae sa kaniya na medyo may katandaan na. "O-opo," tugon niya. "A-anong taon na po ngayon?" Napakunot ng noo ang babae. "Taon ba kamo?" "Opo, opo." "Eighty-eight, Hi—" "Eighty-eight? Seryoso po kayo?" "Aba'y oo naman!" "Kahit mamatay po kayo ngayon?" "Nakung bata ka, akala mo naman kung nagsisinungaling ako sa iyo. Diyan ka na nga! Ayoko pang mamatay. Patawarin ako ng panginoon," pakli nito saka nag-sign of the cross sabay tingin sa langit. "Hindiiiii!" sigaw niya kaya mas lalong naagaw ang atensyon ng mga tao. "Miss, ayos ka lang?" muling tanong ng isang lalaking medyo bata pa. "Ha? Oo naman, ayos lang ako. Anong taon na ba ngayon?" tanong niya saka nginitian niya ito. "Two thousand and twenty-three po," tugon nito. "Seriously? Oh, God! Thank you," pakli niya. Napangiti siya dahil akala niya ay nag-time travel siya pabalik ng eighty's. Napagtanto niya rin na ang sinabi ng matanda ay edad nito. Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi hanggang biglang pumasok sa isip niya ang mukha ng isang lalaki. It was him. Iyon ang lalaking nakita niya kagabi. He was with her kaya malakas ang kutob niya na ito ang may kagagawan kung bakit siya nagising na nakahiga sa parke. HABANG mabilis na naglalakad ay hinugot niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bag. Kailangan niyang tawagan ang lalaking iyon. Ngayon lang pumasok sa isip niya na naka-save pala ang number ng lalaking iyon sa kaniyang cellphone, ngunit nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. MY HUSBAND. Iyon ang pangalan na nilagay nito. Ngumisi siya. "My Husband? Ang kapal naman talaga ng mukha ng f**k boy na iyon!" Umuusok na naman ang lahat ng butas na mayroon siya dahil sa galit at inis na nararamdaman niya. Pinindot niya kaagad ang call icon para tawagan ito. "Go to hell!" bungad niya sa kabilang linya nang sinagot nito ang tawag niya. "Tinatanggap mo na ba ang alok ko? Just relax, okay?" tugon nito sa kaniya. "Asa kang tatanggapin ko! Bakit mo ako dinala rito? Bakit kailangan mo itong gawin sa 'kin? Patayin mo na lang ako kung gusto mo, basta hindi ako magpapakasal sa iyo!" asik niya. "Okay, see you in hell," he said in a sexy and baritone voice. Bigla nitong binaba ang tawag. "He—hello!" Bigla siyang napatutop ng kaniyang dibdib nang may sumulpot na tatlong lalaking malalaki ang katawan sa harap niya. "Hello, Heather!" magkakasabay na wika ng tatlo. "Si-sino kayo?" utal na tanong niya. Bigla siyang kinabahan kaya napaatras siya. "Hindi mo na ba kami kilala? Maniningil kami sa 'yo ngayon," wika ng isang lalaki. "Ano? Maniningil?" "Oo, sa utang ng mga magulang mo," pakli ng isang lalaki. "Matagal ka naming hinanap, dito ka lang naman pala namin matatagpuan," nakangising wika ng isa. "H-hindi... Police!" sigaw niya sabay takbo palayo sa tatlong lalaki. "Hoy, bumalik ka rito!" "Tara, habulin natin!" Mabilis ang takbo ni Heather dahil mabilis din ang takbo ng tatlong iyon. "Ang malas kooooo!" sigaw niya habang walang tigil sa katatakbo. Dumaan siya sa alleyway para naman makapagtago siya at hindi siya makita kaagad ng mga ito. Pagod na pagod na siya kaya noong makarating siya sa kalye ay huminto siya ngunit bigla sumulpot sa harap niya ang tatlong lalaki. Pinaligiran siya ng mga ito. "Tatakbo ka pa ba?" "T-teka, baka pwede naman nating pag-usapan ito. Magbabayad naman ako, e, kaya lang nag-iipon pa ako," pakli niya. "Sampung taon kaming naghintay, Heather. Ni hindi ka namin mahagilap dahil pinagtataguan mo kami," wika ng isa habang malagkit ang tingin sa kaniya. Unti-unti rin itong lumalapit sa kaniya. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung makatatakas pa siya sa kamay ng tatlong ito na may malalaking katawan. "Wala pa nga kasi akong pera. Maawa naman kayo sa 'kin," wika niya. "Maawa? E, ikaw naawa ka ba sa 'mi—" "Teka, 'wag kang lalapit!" bulalas niya nang ilang dakma na lang ang distansiya ng isang lalaki sa kaniya. "Anong 'wag?" "Sinabi nang 'wag kang lalapit, e!" bigla niyang sinipa ang nasa gitna ng dalawang hita nito, saka tumakbo ulit siya palayo. "Aray! Habulin niyoo!" Ngayon dalawa na lamang ang humahabol sa kaniya pero natatakot pa rin siya na baka maabutan siya ng mga ito. Kung binayaran lang sana siya ng bilyonaryong iyon ay baka hindi na niya tinatakbuhan ang loanshark na ito. "Bwiset talaga! Bwiset!" bulong niya habang hinahapo na sa katatakbo. "Ayoko na, pagod na pagod na ako." Bigla siyang napahinto nang may isang pulang sports car na huminto sa may harap niya. Bumaba ang driver no'n. Napaawang siya dahil sa kaguwapuhan ng lalaki but when she realized that it was him—the f**k boy, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Ano ang ginagawa mo rito? Ah, mukhang ikaw ang nag-utos sa tatlong lalaking iyon, ano?" "Just marry me," tugon nito. "Tang-inang alok mo 'yan! Just kill me, okay?" "Madali akong kausap. Kill her!" wika nito habang nakatingin sa kaniyang likuran. Lumingon siya at nakita niya ang tatlong lalaking humahabol sa kaniya kanina. Palapit nang palapit ito sa kinaroroonan niya. "Teka... Huwag kayong maniwala sa kaniya!" turan niya. "Kapag pinatay ninyo ako, hindi ko kayo patatahimikin!" dagdag niya. "Hindi kami natatakot. 'Di ba, mga pare?" wika ng isa saka nagtawanan pa ang mga ito. Tumango naman dito ang dalawa. Inikot niya ang paningin niya. Wala na siyang matakbuhan dahil ang nasa magkabilang side niya ay mataas na konkretong bakod na ng malalaking apartment at bahay. Isa na lang ang direksyong patutunguhan niya. Papunta sa bilyonaryong lalaking nakangisi habang nakatingin sa kanila. Nakakaramdam na siya ng takot. Takot na parang katulad noong nangyari ten years ago. Pasikip nang pasikip ang kaniyang dibdib. Habang naglalakad ang tatlo palapit sa kaniya ay paatras naman ang kaniyang lakad habang nakaharap sa mga ito. "T-tama na, itigil na ninyo ang katarantaduhang ito!" Pakiramdam niya ay matutumba siya anytime. Hindi niya namalayang habang umaatras siya palapit din siya nang palapit sa kinaroroonan ng binatang nasa likod niya. Dalawang hakbang na lang pagitan nila. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya napahinto siya. Dinako niya ang tingin niya sa binata. "T-teka! M-magpapakasal na ako sa 'yo. P-please help me," pakli niya saka biglang dumilim ang kaniyang paningin. A devious smile curved on a man's lips in front of her dahil sa narinig nito. "Game on!" mahinang sambit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD