Galit na pinagsusuntok ko ang pader sa loob ng library ko. Hindi ko matanggap na iyon pala ang iniisip ng mahal kong asawa. Kahit kailan hindi ako nag-isip ng ganoong mga bagay. Kung hindi ko man nasasagot ang lahat ng katanungan niya noon, doesn't mean na wala siyang kuwenta. Dahil sobrang halaga niya sa buhay ko, noon pa man!" Gusto ko lang na huwag na siyang mag-alala sa problemang mayroon ako lalo na't may baby kami. Gusto kong i-fucos niya na lang ang atensyon niya sa anak namin at ako na lang ang haharap ng mga problemang mayroon ako. Ayoko na siyang idamay pa, sobrang mahal ko siya at kahit kailan ayokong makikita siyang nahihirapan o nasasaktan. Pero mukha yatang mali pa ang nagawa ko dahil ako rin pala mismo ang magpapahirap sa kalooban ng asawa ko. F*ck!" Mabilis akong umalis

