Biglang naglaho ang lahat ng sama ng loob ko sa aking asawa ng makita ko kung gaano ito kagustong mapunan ang pagkukulang nito bilang daddy at bilang asawa na rin. Hindi na rin ako nag-aksaya pa na tanungin ang ilang mga bagay na nasa isipan ko. Tutal, tapos na rin naman ang lahat. Ang mahalaga eh, ang ngayon na masaya na kaming mag-asawa at palaging may oras na ito sa amin ng anak namin. Sa tagal na rin naman namin, pakiramdam ko para akong dalagang kinikilig sa ipinapakita nitong kalambingan at pagmamahal. Hindi matatawaran ang kaligayahan ko sa ipinapakitang nitong pagmamahal sa amin ng anak niya. Lalo pa akong napaiyak ng surpresahin ako ng proposal nito. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang kaligayan ko ng mga oras na iyon. Hindi ko talaga inaasahan na aalukin ako nito ng k

