Walang araw na hindi ako nagagalit at nagbabasag ng kung ano ang makita't mahawakan ko dahil sa pagkawala ni Angel. Ilang araw na ang nakakalipas ngunit wala pa rin balita sa akin ang mga pulisya lalo na ang kinuha kong private investigator. Pati na rin ang mga tauhan ko. Sobra na akong mabaliw-baliw dahil hindi ko na alam kung nasaan at napano na ang mag-ina ko. Kahit ang mga kaibigan ko hindi na rin nila ako mapakalma sa tuwing nagagalit ako at nagbabasag. Kahit ang mga ito man ay nagawa ng tumulong sa paghahanap kay Angel. Hanggang sa ikatlong araw ng may biglang tumawag sa cellphone ko. Kasalukuyan akong nasa opisina kasama ang mga kaibigan ko pati na rin ang ilang tauhan ko. "Hello!" galit na wika ko. Subalit bigla na lang akong napatayo ng marinig ko ang pangalan ng babaeng maha

