Episode 22

1284 Words

Naalimpungatan ako dahil sa haplos sa aking braso. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at ang aking mommy at daddy ang nasilayan kong nakatunghay sa 'kin. "Anak, gumising ka na muna at ng makakain na tayo," wika ni mommy. "Si Dave?" tanong ko kaagad sa mga ito pagkabangon ko. Nagkatinginan pa ang mga ito sa isat-isa. "Sa hotel muna raw siya matutulog anak, at kanina ay naka meeting niya isa sa mga ka negosyo niya," sagot naman ni dad. Bumalot ang lungkot sa puso ko. Pati ba naman dito ganito ang igagawi niya. Sa isip-isip ko na lang. Pinilit kong itago ang sakit sa harapan ng mga ito. Kumain kami ng magkakasama. Pansin ko ang madalas nilang pagsulyap sa 'kin. Ngunit wala ako sa mood para kausapin sila. Tanging sakit at kalungkutan ang bumabalot sa puso ko ng mga oras na 'yon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD