Tatlong buwan na lang para manganak si Angel. Bilog na bilog ang tiyan nito at kahit buntis ito makikita pa rin ang pagiging sexy nito. Natutuwa na rin ako at hindi na ito tulad ng nakalipas na buwan na panay galit at mainit ang ulo. Tahimik lang ito ngunit paminsan-minsan ngumingiti ng kaunti. Subalit sapat na iyon para sa 'kin. "Hi Nanay Esteng, si Angel ho?" Salubong ko kaagad kay nanay pagkapasok ko sa loob ng mansion. Kasalukuyang sumaglit ako sa opisina dahil may importanteng meeting lang. Simula kasi ng palaki nang palaki na ang tiyan ni Angel ay hindi na ako umaalis ng bahay at tinitingnan at inaalagaan na lamang ito. "Nandoon siya hijo, sa likod bahay. Tiyak nawiwili na naman iyon sa mga bulaklak na naroroon. Alam mo naman mahilig 'yon sa mga halaman," nakangiting sagot nito s

