Nagising akong sumasakit ang ulo. Dahan-dahan kong inilibot ang paningin. Malawak, maaliwalas na kuwarto ang bumungad sa 'kin. Muntik na akong kabahan ng sobra ng bigla kong maalala ang ginawa sa 'kin ni Dave. Galit akong bumangon mula sa kama at walang pag-alinlangang binuksan ang pinto. Kailangan ko pang bumaba dahil nasa pangalawang palapag ako base na rin sa nakita ko. Ngunit nakababa na ako lahat, wala akong napansing mga tauhan nito. Katulad ng sa mansyon nito. Ni kasambahay wala rin. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng galit. Lumabas ako ng bahay hanggang sa mapansin ko ang asul na dagat. "So, ito ba ang sinasabi niyang dadalhin ako sa lugar kung saan ako hindi makakatakas? Dahil walang katao-tao dito. Isang Isla." inis na bulong ko sa sarili. Muntik pa akong mapatalon dahil s

