"Mukhang minamalas tayo," wika ni Marc. "Damn," inis na sambit ko. Tatlong beses niya ng nilagyan ng secret audio ang kaniyang bagong secretary ngunit wala man lang silang narinig na kung ano rito. "Huwag kang mawalan ng pag-asa dude, magkakaroon din tayo ng tiyempo," wika ni Denz. "Hindi kaya nalaman niya na? Kaya wala tayong naririnig?" wika naman ni Vinz. Nasa library sila ng mga oras na iyon. Sa mansion niya. Dito talaga sila nagtitipon upang hindi niya mapag-iwanan ng madalas ang kaniyang asawa't anak. "Sana naman hindi, mahihirapan tayo kapag bigla na lang iyan nawala na parang bula," wika naman ni Keth. Hanggang sa bigla silang matigilang tatlo ng sumenyas si Marc. Kaagad silang nagsilapitan. "She's talking right now," mahinang wika Marc. Bigla kaming natahimik lahat

