"WHAT'S THAT?" nagulat na tanong nang kanyang stepmom at patakbong lumapit kina Jade. "I don't know, tita. Pero parang may pumutok or sumabog? I'm not sure," hindi siguradong sagot ni Jade. "Mommy, d'on po iyon sa may tent. Baka po kung anong nangyari kina Daddy?" biglang sagot ni Jane. "Oh my God! Oo nga pala! Naroon sila kanina sa loob. Wait! I-tsi-check ko lang muna. Dito ka na muna anak kina lola, okay? Do not go outside!" mahigpit niyang bilin sa anak. "Yes, Mom!" Tumatangong sagot nito. "Oh, God! Sana naman walang ibang nasaktan. Kung bakit ba naman at kung ano na naman ito," kinakabahang sabi ni Jade at halos patakbong lumapit sa kinaroroonan ng mag-ama niya. Nagkakagulo ang mga tao at kanya-kanya nang lapit sa tabi ng tent. Lahat ay nagpipilit na maki-usyoso sa nangyari.

