"Welcome to Grimson City, young lady," napahilot ng noo si Aikira nang makita niya ang mga lalaki na nakayuko sa kaniya, pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ng eroplano. Anak lang siya ng Mayor dito, pero hindi naman kailangan may ganitong bati sa kaniya.
Pagkababa niya sa eroplano ay binuksan niya ang front seat ng sasakyan na ipinadala ng kaniyang Ama para ipahatid siya.
"Baba," walang galang na sabi ni Aikira sa driver niya. Wala naman itong nagawa kung hindi ang bumaba sa sasakyan, dahil natakot ito sa titig ng babae.
Nang makasakay si Aikira sa sasakyan, inilagay niya muna ang kaniyang selpon sa harapan niya at binuksan ang tracker. Tinignan niya kung nasaan ang kaniyang Ina at nang makita niya na nasa bahay niya ito ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at pumunta sa bahay ng Ina.
Itinigil niya ang sasakyan nang makarating na siya sa bahay ng kaniyang Ina. Kinuha niya muna ang selpon niya, sabay bumaba sa sasakyan. Naglakad siya nang hindi pinapansin ang mga lalaking tambay na tumitingin sa kaniya.
Huminga muna siya ng malalim bago niya pinindot ang doorbell ng bahay ng kaniyang Ina, pero nakailang pindot niya na roon ay wala pa ring bumubukas ng pinto. Nagulat siya nang may narinig siya sa loob na para bang may nalaglag na baso sa sahig. walang nagawa si Aikira kung hindi ang sirain ang pintuan ng bahay ng kaniyang Ina.
Nang masira niya ang pintuan, pumunta agad siya sa kusina, kung saan niya narinig ang pagkabasag ng plato.
"Ikaw ang babaeng napakaayaw kong makita! Lumayas ka sa harapan ko! Baka mapatay kita!" Hindi napigilan ni Aikira ang kaniyang sarili kung hindi ang tadyakan ang lalaki sa likod, nang makita niya ang kaniyang Ina na nakahiga sa sahig, habang sinasaktan ang Ina.
Nagdilim ang paningin ni Aikira at tinignan ng nakakatakot ang lalaki. Sinugod niya ito at mabilis na sinuntok.
"Hindi pa 'yan sapat," sabi niya, sabay suntok sa tiyan nito. Ang lalaki naman ay hindi makalaban, dahil sa sakit ng katawan nito. Hindi niya inaasahan na ang babaeng nasa harap nito ay napakalakas manuntok.
"Papatayin kita!" Susugudin sana ulit ni Aikira ang lalaki nang humarang ang Ina niya sa kanilang gitna.
"Umalis ka sa harap ko," seryosong sabi ni Aikira sa babae, pero hindi ito umalis.
"Umalis ka na lang dito." Napatingin siya sa kaniyang Ina na nakaiwas ng tingin sa kaniya. "Hindi kita kailangan."
"Ano?"
"Umalis ka na!" Tinulak siya ng Ina palabas ng bahay. Hindi naman siya makalaban doon, dahil Ina niya ang kaniyang nasa harapan. Hindi niya ito pwedeng saktan o kaya sigawan.
Nagkamali na siya noon sa babae kaya hindi niya na gagawin ulit.
"Mom, let me protect you, please," pagpupumilit niya sa Ina. Pinipilit niyang hawakan ang kamay ng Ina niya, pero lumalayo lang ang babae. Halatang ayaw magpahawak.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa'yo?" Nagkatinginan silang dalawa at ang madilim na paningin ni Aikira ay umamo nang makita niya ang mga luha na nagsisilabasan sa dalawang mata nito. "Hindi kita kailangan."
Pagkatapos sabihin iyon ng kaniyang Ina ay sinaraduhan na siya ng pintuan. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang umalis sa tapat ng bahay. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at doon nagmuni-muni.
Naalala niya tuloy ang nagawa niya noon sa kaniyang Ina. Pinili niyang manatili sa kaniyang Ama kaysa sa Ina niyang walang ginawa kung hindi ang mahalin siya. Hindi niya sinasadya iyon, dahil bata pa siya. Ang Ama niya kasi ang naging malapit sa kaniya noong bata siya, kaya mas gusto niyang manatili sa Ama niya kaysa sa Ina niya. Alam niyang nasaktan niya ang Ina, pero napakasakit na ilang beses kang pinagtabuyan ng Ina mo. Alam niya rin na mas nasaktan ito sa kaniyang ginawa noon at iyon ang pinaka-ayaw niya sa kaniyang nakaraan. Kung hindi niya siguro ginawa iyon ay ayos sila ngayon ng kaniyang Ina at masaya.
Hindi na siya umiiyak simula noong sinaktan siya ng kaniyang nakaraan, mukhang naubos na ang luha nito, dahil sa kakaiyak minu-minuto noon. Dahil sa nakaraan na iyon ay naging ganito ang ugali niya. Mas naging matapang siya hindi katulad noon, noon na palagi siyang binubully ng mga kaklase niya.
Habang nagdadrive may tumawag sa kaniyang selpon.
"What?"
[Nasa Grimson City ka na raw?]
"Sino nagsabi sa'yo, Mr. Manalo?"
[Ang school, hindi ko alam na sikat na sikat ka pala.]
"s**t," bakit hindi niya alam ang tungkol doon? Hindi sana sinabi ng school na anak siya ng Mayor, dahil kapag nalaman ng buong Grimson City ay baka mas dumami ang may gustong pumatay sa kaniya. Mas lalong dadami ang problema niya pagnagkataon.
[Paano ka sumikat, Kira?]
"None of your business."
[Pupunta kaming bar, sasama ka?]
Hindi sumagot si Aikira.
[Huwag kang mag-alala hindi siya kasama.]
"I'm in, anong oras mamaya?"
[11pm.]
"Ok."
Pagkatapos nilang mag-usap ay pinatay niya na ang tawag, sabay tinawagan niya naman ang kaniyang Ama.
"Dad."
[Alam ko na ang sasabihin mo, huwag kang mag-alala hindi ko sinabi na anak kita, you're safe.]
"Kahit hindi niyo po sabihin hindi pa rin po ako ligtas, dahil madami pa rin ang gustong mamatay ako."
[Magpapadala ako ng bodyguard para sa'yo.]
"No need. I can take care of myself," malamig na sabi niya sabay patay ng tawag. Ang ipinagtataka niya lang ay bakit ipapasabi pa sa paaralan nila na nakabalik na siya? Hindi ba nag-iisip ang kaniyang Ama? Masyadong excited ang kaniyang Ama sa kaniyang pagdadating kaya ipinabalita sa paaralan.
***
"Welcome back, young lady," ang lahat ng bodyguard at mga kasambahay ay yumuko sa kaniya nang makapasok siya sa kanilang bahay. Napabuntong hininga nalang siya, pinipigilan niyang hindi magaling, dahil sa mga asal ng mga ito sa kaniya. Isa rin ito sa ayaw niya, na para bang isa siyang diyos para yukuan at batiin ng mga taong nasa harap niya.
Naglakad nalang siya papunta sa kaniyang kwarto, habang dala-dala ang mga dalawang maleta nito.
"Young lady, ako na po ang magdadala ng maleta niyo sa inyong kwarto." Tumingin siya sa isang lalaki. Inilayo niya ang kaniyang dalawang maleta nang makita niya ang lalaki na hahawakan sana nito ang maleta niya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang dating kwarto.
Nang makapasok siya sa kaniyang kwarto inilagay niya muna ang kaniyang dalawang maleta sa gilid, sabay humiga sa kama. Pakiramdam niya pagod na pagod siya.
*tok!*tok*
Tumayo siya sa kaniyang kama at binuksan ang pintuan. Nakita niya ang isa sa kanilang kasambahay.
"Miss, ito po ang uniporme na sinabi niyo po sa akin." Kinuha agad ni Aikira ang uniporme at sinara ang pintuan na hindi nagpapasalamat sa kasambahay. Bago kasi siya pumunta sa Clark ay tumawag siya sa kanilang bahay para sabihin na pagkarating na pagkarating niya sa bahay ay ibigay agad sa kaniya ang uniporme na gagamitin niya kinabukasan.
Ang uniporme na ito ay ang uniporme ng Grimson College. May plano kasi dapat siyang mag-aral noon doon, pero naalala niya na naman kung ano ang nangyare sa paaralan na iyon noon. Kaya hindi na siya natuloy at nastock ang uniporme sa storage room.
Pumunta siya sa banyo at sinukat ang uniporme. Medyo masikip, pero komportable naman siya. Ayaw niya ng bumili ng panibagong uniporme. Kasama rin kasi ito sa nakaraan nila, kaya ayaw niyang ipa-iba.
***
"Kira!" Niyakap siya ng lalaki na nakausap niya sa selpon kanina. Ngayon ay nasa Tasty Bar siya, katulad nga ng sabi sa kaniya ng lalaki na magbabar silang magkakaibigan. Minsan nalang naman itong mangyare kaya pinayagan niya na.
"Let go of me, Mr. Manalo." Binitawan siya ng lalaki at pumalit naman ang isa pa nilang kaibigan na lalaki.
"Namiss ka namin."
"Alright, Dijay, masyado ka ng lasing." Pinaupo niya si Dijay sa upuan at pati rin sila ay umupo na. Nag-order ng isa pang basket ng alak si Nathan, para may mainom na alak si Aikira. Mas naunang dumating kasi ang dalawang lalaki, kaysa kay Aikira, kaya naubos agad ng dalawa ang isang basket ng alak.
"Anong problema ni Dijay?"
"Broken ang hinayupak na 'yan, paano nagmahal ng babae na hindi naman pala sigurado sa kaniya, kilala natin si Dijay. Hindi basta-basta nagmamahal ng isang babae."
"Who's the lucky girl?"
"Believe me, hindi mo gugustohing malaman, hahahaha." Tinignan ni Aikira si Nathan kaya natakot ang lalaki. "Ok, si Lilian."
"See? Alam ko ang mukhang iyan, Kira. Hindi ka makapaniwala na naging sila hindi ba? Hahahaha." tinignan lang siya ni Aikira habang tumatawa ang lalaki. napailing si Aikira at nagbukas ng isang bote, sabay itinungga ito.
"Tatlong taon ka nang hindi nagpapakita sa amin, siyempre hindi mo alam ang mga nangyayare rito sa Grimson." Iyon ang hindi nila alam. Ang hindi nila alam ay may taong binabayadan si Aikira para tignan ang kaniyang mga kaibigan. Alam niya na naging magkasintahan si Nicole at Dijay. Hindi niya lang sinasabi, dahil ayaw niyang magalit sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan.
"Alam mo ba?" Tumingin ulit si Aikira kay Nathan. "Galit dapat kami sa'yo eh, dahil iniwan mo kami nang hindi ka nagpapaalam."
"Alam namin na sinaktan ka ni Daven, pero hindi ka namin sinaktan hindi dapat kami damay sa inyo." Gustong-gustong sabihin ni Aikira ang totoong nangyare last three years, pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila.
"Aikira, bakit ka ba umalis noon? Bigyan mo kami ng dahilan." Inubos ni Aikira ang isang bote ng alak at nagbukas ulit ng isa.
"Sumagot ka!" nagulat siya nang biglang sumigaw ito sa kaniyang harapan at tumayo na para bang naghahamon ng suntukan. "Tatlong taon Aikira! Tatlong taon, tapos dadating ka rito na parang walang nangyare?"
Ang akala niya ay ayus silang magkakaibigan, 'yon pala hindi. Bakit pa siya inimbita na makipag-inuman kung magagalit lang pala ang ito sa kaniya?
"Hindi dapat ako pumunta rito," aalis na sana si Aikira nang hawakan ni Nathan ang braso nito.
"Bumalik ka rito!" tinanggal niya ang kamay ng lalaki sa kaniyang braso at tinignan ng seryoso ang lalaki.
"Sige umalis ka ulit! Diyan ka naman magaling hindi ba? Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan dito!" Hahakbang na sana siya nang marinig niya ang huling sinabi ni Nathan sa kaniya. "Ngayan alam ko na kung bakit ka hiniwalayan ni Daven."
"Wala kang alam tungkol sa amin."
"Alam ko ang lahat."
"Alam mo lang ang nakita mo. Hindi ang buong nangyare," pagkasabi ni Aikira sa lalaki ang mga katagang iyon ay kinuha niya ang isang alak na kaniyang binuksan, sabay umalis na.
Sumakay si Aikira sa kaniyang sasakyan at pinaandar iyon papunta sa isang dagat. Nang makapunta siya sa dagat ay umupo siya sa buhanginan at tinungga ang bote.
Hindi dapat siya nasasaktan, dahil wala naman siyang kasalanan. Hindi niya ginusto ang mga nangyare noon, wala siyang alam.
"Tang-ina niyo! Papatayin ko kayo lahat! Sinira niyo buhay ko!" Dahil sa mga salita na pinakawalan niya kahit kaunti nawala ang sakit sa kaniyang puso. Ngayon niya nalang ulit nagawa ito. Ang sumigaw sa tabi ng dagat, na walang taong makakakita sa kaniya.
Ang akala niya talaga kaya tumawag si Nathan sa kaniya ay ayus na sila, 'yon pala para lang talakan siya at pagsabihin ng kung ano-ano. Hindi dapat siya pumunta sa bar, maling desisyon na naman ang nagawa niya sa kaniyang buhay.
"Puro na lang mali!"
Nang maubos niya ang laman ng bote ay tinapon niya ito sa dagat at umuwi na ng bahay.