“Can you do me a favor?” Tungo ang sagot ni Nicole. Hindi naman ito tatanggi dahil madami na ang nagawa ang babae sa kaniya. Bakit hindi niya na lang ito gawin hindi ba? Para rin sa pagpapasalamat niya. “Scholar ka ba rito?” “Oo, kasama ko si Jethro. Actually madami kaming scholar dito. Hindi nga lang kilala masyado ang iba dahil mga tahimik at ayaw mabully katulad ko. Dapat nga hindi rin ako kilala rito. Kaso nalaman nila na scholar ako.” Ang akala pa naman ni Aikira ay magkakaroon an siya ng kaibigan na hindi madaldal, pero akala niya lang pala ‘yun. Makwento rin ang babae at hindi nauuusan ng mga sasabihin katulad ni Lilian at Leanne. “Meroon akong mga subject ko na hindi ko alam. Pwede mo ba akong tulungan?” Tumayo si Nicole at hinarap si Aikira. “Oo naman, kailanga

