"Bakit ang daming staff sa harapan ni Aikira?" Napalunok si Lilian nang biglang tanungin ni Nathan 'yun. "Hindi kaya may nagawang mali si Aikira?" dagdag pa ni Nathan. Kaya nakahinga ng maluwag si Lilian. Hindi pa naman siya marunong magsinungaling at pinilit siya ay masasabi niya agad ang mga tinatago niya. Lalo na't mayayaman ang kasama niya. Pwedeng gawin ng mga ito ang gusto nilang gawin na hindi sila nakukulong. "Baka nga may ginawa siyang mali kaya ang daming staff na nasa harapan niya?" singit naman ni Dijay. "Nandito naman na tayo. Bakit hindi na lang tayo kumain? Alam naman na natin na nandito siya at ligtas. Saka na natin sabihin kay Aikira na nandito tayo dahil wala naman oras para riyan. Hindi naman siguro siya aalis sa resort na 'to eh," sabi pa ni Nathan. Umupo sila sa up

