Napamulat si AIkira nang biglang may kumatok sa kaniyang pintuan. “Aikira? Kain na tayo ng almusal. Pinagluto ka namin ng paburito mong almusal.” Narinig niya ang boses ni Niyan. Sabi na nga ba na ganito ang gagawin sa kaniya ng mga lalaking ‘to.. Tumayo na si Aikira at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Nakita niya si Niyan pati na rin ang lahat ng mga lalaki sa likod nito. “Ano ang kailangan niyo?” seryosong sabi ni Aikira habang nakatingin sa mga mukha ng mga lalaki. Nang tumingin si Niyan sa plato na hawak niya ay napatingin din siya roon. Ang nakalagay sa plato ay tatlong pancake with butter and sugar syrup. “Nilutuan ka namin ng paburito mong almusal. Kaya bati na tayo?” Nagulat sila nang biglang isara ni Aikira ang pintuan. Kaya ito sila ngayon nakatunganga sa pi

