Nakatingin lang si Aikira ngayon sa dalawang lalaki na pinadala sa kaniya ng kanilang kataas-taasan. Nasa labas sila ngayon ng kaniyang bahay at sinalubong niya ang dalawang lalaking ito. “Kayo si Thomas at Will hindi ba? Alam niyo na rin naman siguro kung bakit kayo nandito at hindi ko nakailangan ulitin pa ang trabaho niyo?” seryosong tanong ni Aikira. Biglang namawis ang dalawang lalaki dahil tama nga ang sinabi ng kanilang kataas-taasan na isang strikto si Agent Deguztin. Hindi naman nila inakala na sobra siyang nakakatakot. “Yes, Ma’am,” sabay na sabi nilang dalawa. Tumungo si Aikira at tinawagan si Joseph. [May kailangan ka ba? Meron pa kasi akong ginagawa at hindi ko pa mahanap ang lalaki na tumutok sa’yo ng sniper noon.] “I need you here right now.” [Ngayon na ba talaga?] “Ye

