Nakatingin ang isang lalaki sa bahay ni Doctor Givada. Ang Doctor ni Olivia. Inutusan siya ng kaniyang Boss na patayin ang Doctor at magpanggap na siya ang Doctor para mapatay agad ang babaeng matagal na nila gustong patayin. “Sigurado ba kayo na matutulog ang lalaking ito ng maaga?” tanong niya sa kaniyang kausap sa phone. Ang lalaking kausap niya ay ang kaniyang kasabwat at ang naghack sa cctv ng bahay ng Doctor. Napadali lang naman ang kanilang trabaho dahil sa cctv ng Doctor eh. Buti na lang talaga merong cctv ang Doctor. Kaya nakikita nila kung ano ang ginagawa nito sa loob ng bahay. [Sigurado ako riyan, Tim. Ikaw naman ang papatay sa kaniya. Kaya pwede kang gumawa ng iba pang paraan para mapabilis ang pagpatay mo sa kaniya.] “Sinabi mo na dapat sa akin ‘yan noon pa. H

